Chapter 39: Within the lights

28 17 9
                                    

[Note: The the song below this chapter is I get to Love you by Ruelle and covered by Leighton John.]

Third Person's POV

Sa gitna ng kagaraan ng dining hall ng akademya, puno ng kasayahan at mahika ang bumabalot sa hangin habang nagtitipon ang mga mag-aaral at guro para sa taunang banquet party.

Pinapalamutian ng mga kumikinang na bandila at kandila ang hall, nagbibigay ng mainit na liwanag sa mga nakahandang mga mesa na puno ng masasarap na pagkain.

As the guests mingled and laughter echoed through the hall, the sound of music drifted from a corner where musicians played enchanting melodies on instruments. Ang amoy ng mga eksotikong pampalasa at inihaw na karne ay dumadaloy sa hangin, nakakahikayat sa mga pang-amoy at nagdaragdag sa ambayans ng gabi.

As the group of Sirius Knights arrived at the entrance of the grand hall, their eyes were drawn to the inscription above the door. The words were unfamiliar, written in different languages that seemed to dance with ancient power, forming a spell of mystique and mystery.

Luminara Eternia ang nakasulat duon gamit ang gintong pinta. Pinuno ng pagtataka ang mukha ng grupo habang sinusubukang unawain ang kahulugan ng nakaukit sa itaas. Sa huli ay kanila rin itong sinukuan.

"It means 'A blessed beginning for something you have started.'" Kaagad silang napalingon sa kanilang likuran at nakita ang kilalang guro na si Professor Nicklaus. "Kulang yata kayo?" Anang guro at tiningnan sila isa-isa.

"Si Eos po at Nalani ay nasa loob na dahil katulong sila sa pag-hahanda para kasiyahan." tugon naman ni Zeno na ikinatango bg guro.

"Eh.... Si Ms. Hale? Bakit hindi ninyo siya kasama?" Tanong muli nito ngunit napansin ng lima na may kakaiba sa ekspresyon at mata ng guro nang mabanggit nito ang pangalan ng isa sa kaibigan nila. Tila ba ay may pagkaseryoso ang kaharap nito ngayon at wala ang kaninang ngiti nito.

"Kasama po sana namin siya pero agad itong humiwalay. Wala raw po siyang interes sa ganitong pagtitipon kaya hindi na lamang daw siya sasama. Baka nasa paligid lamang siya." Si Syria naman ang sumagot noon.

She is wearing a stunning beige dress which is adorned with sparkling sequins. The dress is designed with a fitted top and a full, flowing skirt, and a short mutton sleeve.

"I see. I will check her just in case. Dapat ipaalam ninyo sa leader ninyo kung nasaan kayo, mahirap na." Anito pa at saka tumalikod sa kanila bago umalis. Naiwan namang nagkatinginan ang grupo.

"May nangyari kaya?" Pagtatakang tanong ni Syria. Nagkibit balikat naman ang mga kasama niya.

"Siguradong may nangyayari." Nakahawak sa baba na wika naman ni Cosima. Nakasuot ito ng itim na simpleng dress. The bust part of the dress features a stylish and flattering fit, while the back of the dress is equally impressive, with a well-fitted and elegant design. The sleeves of the dress are long and flowing.

"Hindi tayo nakakasigurado. Mas makakabuti kung mahanap na natin si Eos. Baka may nalalaman siya." Suhistyon naman ni Zeno na ikinatango na lamang ng mga ito. Pumasok sila sa loob at ingay kaagad ng paligid ang sumalubong sa kanila.

Sa isang sulok, isang grupo ng Canopus na nakadamit ng elegante na mga kasuotan ay masayang nag-uusap. Sa kabilang dulo ng hall, ang mga guro at mga tagapayo ay nagbabahagi ng mga kuwento sa isat-isa. Tila ay wala namang nangyayaring kakaiba.

Marami rin ang mga matang sinusundan sila ng tingin. Sikat sila kaya hindi na iyon bago. At dahil nasanay na sila sa mga ito ay nababalewala na lamang nila ang mga iyon ng walang hirap.

The Eternity's Lie 1: Knight's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon