[Ria's P.O.V]
Ria! Isipin mo, isipin mo, isip, isip, isip! Ahhhhh! Mababaliw na ko! Wala akong matandaan ni isa! Ugh! Nagpagulong gulong nanaman ako sa kama. Mahigit tatlong oras na ako sa kama simula ng umalis sila mat at makakain ako.
Hindi to pwede! "Ria! Ano ba! Isipin mo kung anong nangyare 2days ago!" naggihisterical kong sabi sa sarili ko. Napahawak ako sa ulo ko at nagpagulong gulong sa kama ng matigil ako bigla.
Nakatulala ako sa salamin na nakapatong sa side table ko, nanlaki ang mga mata ko at napapailing. "No, no, Hindi! Hindi to pwede! Wag mong sabihing, hindi to totoo! Wala ka na diba?!" Kaya ba hindi ko malala yung nangyari sakin sa coffee shop? Kasi k-kasi, hindi! Hindi to pwede!!
"Aaaaahhhhh!!!" Sobrang lakas ng sigaw ko at naibato ko ang salamin sa pader. Bumukas ang pinto at nakita ko si mat na papalapit sakin.
"Anong nangyare?!" Nag aalalang sigaw niya sakin. Hinirap ko siya ng masama ang tingin.
"Sabihin mo! Mat! Sabihin mo!! Sabihin mo na hindi to totoo!! Sabihin mo!!" Sigaw ko sa kanya na nanggigigil sa galit. Hinawak ko siya sa magkabilang balikat ng mariin, at inuyugyug siya. "Sabihin mo!! Mat! Diba hindi to totoo?! Diba?! Diba?! Sabihin mo!" Patuloy parin ako sa pag yug yug sakanya.
"Ria! Ano ba! Nasasaktan na ako! Ano bang sasabihin ko?! Hindi kita maintindihan!" Lalo kong diniin ang kamay ko sakanya, ang ayoko sa lahat ay sinungaling! nakarinig naman ako ng yabag papunta sa kwarto ko.
"tell me! Mat hindi totoong bumalik siya diba?! Diba?!"
"Ria! Tama na yan!" Sabay na sabi ni lea at yuan, inilayo ako ni lea kay mat.
"Yag niyo kong hawakan!! Sabihin niyo hindi to totoo diba?!" Hindi! Hindi to pwedeng maging totoo. Hindi! Hindi! Hindi! Nag pupumiglas ako sa hawak ni lea.
[Mat's P.O.V]
Hindi ko maintindihan ang sitwasiyon ni ria ngayon, bigla nalang siyang nagwawala. Inilalayan ako ni yuan umupo, si ria sigaw parin ng sigaw.
"Hindi! Hindi to totoo!! Aaaahh! Aaaaahh!" Pinag tulungan na namin siyang hawakan at baka kung ano pa gawin sa sarili niya.
"Ano ba ria! Huminahon ka muna!" Awat ni lea pero lalo pa itong nag pupumiglas, aish! Ang lakas niya. Wala na kong choice kung di gawin ko to.
"H-hoy! Mat! Pag ginawa mo yan baka hindi lang 2araw magising si ria! Kakagising niya lang" Pigil sakin ni yuan.
"Wala akong choice! Baka mamaya ikaw na ang patayin niyan" hindi na siya nakaimik at hinawak nalang ang kamay ni ria, sa paa naman si lea. inihanda ko naman ang kamay ko para sa pagpapatulog kay ria.
"Pagkabilang ko ng tatlo bibitawan niyo siya" tumango naman sila, pumwesto na ako sa harapan ni ria.
"Ichi"(one)
"Ni"(two)
"San!"(three) pagkabitaw na pagkabitaw nila, ginawa ko naman ang technique ng angkan namin na ang "kogu" hihinto ng 3 segundo ang puso mo at maari kang makatulog ng 1 o hangang 5 taon. Maari mo rin itong ikamatay kung hindi kaya ng katawang pang gagamitan nito.
Ilang beses ko na ito nagamit kay ria, at alam kong kayang kaya niya na gumising ng 1 araw lang. Sa angkan namin ako nalang ang nakakaalam nito.
"Parang alam ko na kung ano ang tinutukoy ni ria" si lea na kinumutan si ria.
"Si ally" nagkatinginan naman kami ni yuan at tumingin kay lea na nakaupo sa kama ni ria.
"Nani?!"(what?) sabay naming sigaw ni yuan. Tumangon naman si lea, si ally? Nagbalik? Pero papaano?