Chapter 1: Ang Pangako

48 2 0
                                    

Ako nga pala si Anton, 25 years old. Matangkad, moreno, may pagka-athletic pero smarty. Graduate ng Business Administration sa isang university sa Manila.

Hinihintay ko kasi si Nice. Nag-text kasi siya kanina. Sabi niya, mag-uusap daw kami dito mismo sa waiting shed na kinaroroonan ko. May pangako kasi kami sa isa't-isa na magkita ulit.....

after 5 years. Sakto! Kasi 5 years ago noong huli kaming nag-usap.

March 21, 2007

Eksaktong-eksakto, nagkita kami sa eksaktong waiting shed na ito. 7:23 PM noon, medyo maambon noon, maraming kotseng dumadaan, rush hour kasi noon eh.

Nililigawan ko kasi si Nice nung mga panahon na iyon. Akala ko sasagutin na niya ako.. pero iba ang nangyari.

"Nice, alam mo naman kung gaano kita kamahal. I know na, ito, I did everything na. All need is your answer.... Can you be my girlfriend?" (Kinakabahang linya ko noon.)

"Alam mo Anton.... Wala na akong mahihiling sa'yo. Gwapo ka. Responsible. God-fearing... at higit sa lahat, caring. You care for me kahit hindi pa tayo. Pero.... kasi..." (Bigla siyang tumalikod at yumuko.)

"Ano, Nice? Anong problema?" (Tanong ko sa kanya noon.)

"Hindi ko pa kaya, Anton... (Umiiyak) ....hindi ko alam, kasi may hinahanap pa ako. Ayokong maulit ang nangyari sa amin ni Paul." (Maluha-luhang sagot niya.)

"Yeah. I know. Siya 'yung guy na nangiwan sa'yo dahil sa dati mong bestfriend. Siya 'yung lalaking lagi mong kinukwento sa akin na parang kapareho ko ng qualities. At siya 'yung lalaking sana hindi ko naging pinsan!!!"

(Sinabi ko sa kanya 'yun. Galit na galit talaga ako kay Paul. Ewan ko lang kung bakit naging pinsan ko pa 'yun. Sobra ang galit ko sa kanya nang iwan niya si Nice para lang kay Miles. Masyado kasing babaero!

Pero pinatawad ko na siya kaya lang hindi ko na sila nakikita at nakaka-usap ngayon. Nag-live in na kasi. Pero ang pinagpapasalamat ko sa kanya ay noong makilala ko itong si Nice sa isang gathering na magkasama kaming magpinsan. Doon nagsimula ang friendship namin hanggang sa courtship ko kay Nice.)

"Pero Nice, tandaan mo ito. Iba ako sa kanya.. at kailanman hindi ako magiging katulad niya!" (Dagdag ko pa kay Nice.)

"Anton.. give me a space muna. Please.. hayaan mo muna akong mag-isip pa." (Litanya ni Nice.)

"Space? Bakit? As in hindi kita muna... kakausapin?!" (Pagtatakang sabi ko.)

"Oo.. Please? I'll text you. Promise ko 'yan. Hindi ako magpapalit ng number. Just wait for my text." (Paliwanag niya)

"Mga ilang araw ka bang mag-iisip? Can you give me an assurance na magtetext ka sa akin?" (Tanong ko.)

"No. It will take 5 years. Aalis na ako next week papuntang Laguna. Doon muna kami titira ng parents ko." (Kwento ni Nice.)

"Ha!!" (Siyempre, nagulat ako. Hindi kasi ako pasensyosong tao. Hindi ako marunong maghintay. Pero nang maisip ko na, mukhang si Nice na nga ang babaeng para sa akin.. bigla kong napasagot ng...)

"Sige.. Nice, I'll try. Basta hihintayin ko ang text message mo ha."

(May biglang dumating na SUV, parang hinihintay si Nice.)

"Ah.. Anton... Sige, andyan na parents ko. Bye!" (Bigla siyang tumakbo paalis..)

Ewan ko ba, hindi ko alam kung pinapa-asa lang ba ako nito o ano. Hindi ko alam, basta biglang labas na lang sa bibig ko na maghihintay ako. Eh, mahal ko siya eh. She's like a precious gem to me na kailangan kong ingatan.

Personally, siya sana ang "magiging" first GF ko. Na-torpe ako sa kanya nung una pero nag-tapang ako na ligawan siya mula nang makilala ko nga siya. Thank you kay Paul dahil doon.

At that moment, ang tanging iniisip ko, tine-test niya ako.

Pero sana magtext agad siya.

Bukas,

o kaya sa makalawa.

Pero kahit anu pang araw 'yan, nangako ako sa sarili ko na si Nice na talaga kaya hihintayin ko ang text niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Waiting ShedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon