WARNING!!!!!!!!!
Dear readers (kung meron man),
Kung makitid or worse--closed po ang utak ninyo, STOP reading na po.
Kasi po, baka patayin niyo 'ko. Takot naman po ako... (>_<)
'Wag niyo na lang pong pansinin at pag-aksayahan ng oras na basahin itong storyang 'to kung aawayin at sasabihan niyo lang ako ng harmful words. Hindi naman po ako namimilit na basahin niyo 'tong story na 'to at kahit minsan po sa pagse-stay ko dito sa watty, hindi pa po ako nagcomment ng masasamang bagay na makakasakit.. kahit halungkatin niyo pa buong profile ko (kung trip at kaya nyo).
Siguro po, ang pinakamasama ko nang nagawa dito eh ang pagiging fc at pagcocomment ng; 'bitin', 'update na po please...', pagkainis ko minsan sa kontrabida sa story, and other alike na bihira ko na rin gawin dahil ayoko maging spoiler, nasi-speechless ako sa UD, at natatablan rin ng hiya minsan.
Nakikita niyo naman po siguro, di ba? Nasa 'Non-Teen Fiction' category po ito kasi nga mature siya? Uhmm. Mature nga ba? Hehe. Tingnan niyo na lang... (^_^)7
Baka po maraming bumatikos sa'kin at gerahin ako dahil sa title ng storyang ito. Kaya nga po natagalan din bago ko siya napagpasyahang ipost kasi nga.. natatakot ako. Lalo na sa mga judgmental at mga relihiyoso na rin.. Pero, napag-isip-isip ko rin na.. kailangan ko 'tong gawin at maging matapang ako kasi natamaan ako ng bongga nung minsang discussion sa Values class namin. Waw! Nakikinig din naman pala ako sa klase. XD
About yun sa pagiging produktibo? Sensya na po kayo. Ulyanin talaga ako minsan. Haha >_<
Basta yun, nagdiscuss si sir ng mga katangian na dapat taglayin para maging produktibo at nagkukwento rin siya. Yung mga true to life ta's inspiring stories ng mga matatagumpay na ngayong tao dahil meron sila ng said na katangian. Naging interested yata ako kaya nakinig ako. Nakarelate ako sa halos lahat ng stories. (Hindi ko na ie-elaborate kasi lalong hahaba ^_^)
At may mga narealize akong bagay-bagay.. Nainspire din ako. Grabe lang. Kung pwede ko nga lang din sanang i-share sa inyo eh..
Okay. Yung pinaka-favorite ko na lang ishe-share ko.
About yun sa inspiring story ni Guillermo E. Tolentino.
Di ba sikat na sikat siyang Pinoy artist?
Siya yung gumawa ng famous na Oblation Statue. Sa mga di nakakaalam..
Noon daw, eh di magaling na artist nga itong si GT.. Tapos maraming bumabatikos sa kanya dahil sa mga pinaggagagawa niya. Lalo na nung gawin niya yung Oble. Panahon kasi ng pananakop ng Spaniards nun ta's yung mga obra niya ay may mga mas malalalim na meaning na parang bumabatikos daw sa mga mananakop. Pero, totoo naman talaga yun--ginawa niya ang mga obra niya to express his views about the Spaniards ruling us. Maraming nabastusan at kung anu-ano pa'ng sinabi.. Siguro dahil sa hubad yung lalaki sa Oble di ba ta's yung ano--natatakpan lang ng fig leaf. Basta except dun, hubad na talaga siya. As in bare na bare ganun. Pero imbes na tumigil at magpadala sa mga akusasyon at panghuhusga ng iba, pinagpatuloy lang niya ang ginagawa niya at lalong pinaghusayan. Grabeng courage 'yun. It's a matter of life and death situation at 'yun talaga ang pinakaina-admire ko sa kanya. Handa siya sa lahat ng pwedeng mangyari. Kakayanin niya lahat para ipaglaban 'yung ipinaglalaban, talent at mga obra niya. At hanggang ngayon nga, kahit wala na siya eh he's still remembered at nag-iwan talaga siya ng mark.
"Oh. Tingnan niyo.. Kung nagpadala siya sa sabi-sabi at pangdo-down ng iba, magiging kilalang artist kaya siya? May Oble kaya tayo? May iconic symbol kaya ang UPD?"
Tagos na tagos sa'kin yang mga pinagsasabing yan ni Sir de Leon kaya heto ako ngayon.. nagkalakas na ng loob para i-post itong kwento. Grabehan lang po. Inabot ako ng halos isang taon para magkalakas ng loob. Haaaay.. Sana mabuhay pa rin ako ng tahimik pagka-post ko nito. :(
Super nagpaalala naman po ako sa inyo, di ba? Hindi naman po siguro ako nagkulang ng warning? Nagkwento pa po ako about my reason. Nawa'y naintindihan at nauunawaan niyo po ako.
Hindi man po ako magaling na writer, gusto ko lang po mag-share ng story... Hindi po ako humihingi at nangangako ng kahit ano sa inyo dahil past time ko lang po ito.. At baka may pagka-cliché rin ang plot. Sorry at pasensya po.. :|
Sincerely yours,
Sansan:)
=======+
BINABASA MO ANG
Virgin Mary
General FictionVirgin Mary. From the title itself. It's about Mary. Who's still a virgin. Yet, she's a prostitute. ©sandbubble