Chapter Seven: Hushed Whispers In Between

24 7 2
                                    

Hindi ko tinuloy ang pag-atras. I didn't want to make Robert think I gave up after just a day.

Naisip ko din na mas masasaktan lang ang ego ko if I stayed home the whole summer to study and still place second. Or if I did rank first, it wouldn't be satisfying because I would know that she wasn't giving her full effort... na natalo ko lang siya dahil wala na siyang oras sa pag-aaral.

"Pierce? Ikaw ang summer hire?"

Naghihintay ako sa harap ng shop nang may magsalita. I glanced back and saw Alyssa, one of the managers here, with a cup of coffee and keys on her left hand.

"Oo. Nandito din sina Francis, Lionel, at... dalawa pa naming schoolmates."

Tumango-tango siya at binuksan na ang shop. Sumunod ako sa kaniya.

"That's nice. Day-off ko kasi no'ng Wednesday kaya hindi ko kayo na-meet. How was it?"

"Masaya. I learned a lot."

Ngumiti siya sa'kin at pumasok na kami sa staffroom. Sa kaniya pala 'yong locker na may drawing ng babae. She said her girlfriend drew it. Dahil din daw sa drawing na 'yon kaya nagsimulang magkakulay 'yong ibang locker.

"Post-its lang madalas nakalagay, e. Para reminders. Though, we did like this more," there was a fond smile on her face. "On leave pa siya ngayon dahil nasa ospital pero maghanda kayo pagkabalik no'n. She'll decorate all your lockers with her drawings and stickers."

Napatawa ako. It wasn't such a bad idea. Gusto ko ring lagyan ng stickers ang lockers nina Lionel at Francis para pang-asar.

Then I realized what she said. Itinuro ko ang katabi niyang locker na may 'get well soon' sticker, "Sa girlfriend mo 'to?"

She glanced back after pouring water on the kettle. "Oo. Want coffee?"

Umiling ako at pinagmasdan ang lockers nilang magkatabi. Her girlfriend's drawing of her on her locker and her sticker on the other. It feels... intimate and sweet. Napatingin ako sa locker ni Herrera na nasa pinakadulo ng sa'kin. Napakalayo.

Bumukas ang pintuan at pumasok ang babaeng iniisip ko. I pretended to take out something from my bag.

"Magandang umaga po."

Ngumiti si Alyssa sa kaniya. "Good morning din! Ano pangalan mo? I'm Alyssa, isa sa managers dito."

"Lorenza Herrera po, pero tawagin niyo na lang po akong Lori."

"Oh, you have a pretty name! And a cute face, too! Want some coffee, Lori?" imbita niya.

"Salamat pero hindi po ako umiinom ng kape."

Narinig ko ang pagbukas ng locker. Nanatili ako sa kinatatayuan, kinakapkap ang hangin sa bag. Itim pala 'tong bag ko, 'no? Pero ano nga bang klaseng itim? Although black results from the absence of visible light, it still has different shades. Like how my bag looks charcoal black but her hair is ebony. Did she tie her hair up again or let it loose? Should I take a quick peekㅡ

"Hindi niyo pa ba kilala ang isa't isa? Bakit hindi man lang kayo nagbatian?"

Malalim akong huminga sa tanong ni Alyssa. Tinapos ko ang pagkapkap sa wala at sinarado ang locker. My eyes immediately went to her and my previous question was answered. Hindi nakatali ang buhok niya ngayon.

"Good morning," I greeted, my voice a bit low.

She glanced at me. "Magandang umaga."

"So kilala niyo ang isa't isa?"

Tumango ako kay Alyssa. "Magka-klase kami."

"Oh, I thought you guys didn't know each other at first. O baka nag-aaway kayo kasi parang may tensiyon," she laughed and tapped the chairs. "Umupo muna kayo. May sampung minuto pa para magbukas."

Everything In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon