Kinabukasan ay maaga kaming nagtunggo kina nanay Carolina dahil pupunta kami sa private beach daw namin. Doon na din kami nagluto ng mga dadalhin naming pagkain at tanging ang mga damit lamang nila ang problema na nasolusyonan din dahil nagprisinta si kuya Carlos na ibili sila sa bayan daw. Hindi na siya humingi ng pambayad kasi “on the house” na daw pero sa huli ay nalaman namin na nagpadala pala ng dagdag na essential goods ang parents namin ni McZinn ng malaman ng mga ito na may mga kasama kami. Ngayon ko lang nalaman na lahat pala ng nangyayari samin dito ay ipinapaalam nina nanay Carolina sa mga magulang ko.
Binigyan nila ako ng pagkakataon na makausap ang mga magulang ko at ramdam ko ang saya ng mommy ko dahil sinabi ni Mom na siya na daw ang bahalang komontak sa mga magulang ng kasama namin upang ipagpaalam. Kaya as possible daw sana matagalan kami ng mga kaibigan ko sa bakasyon para makapag enjoy kami.
Dalawang oras ang byahe papunta sa bayan, bali apat pagpabalik na kaya inihatid na muna kami ni kuya Carlos sa private beach bago magtunggo sa bayan para sunduin ang mga inutusan ng mga magulang ko, since malayo at tago ang Mikhaiah Paradise.
Nang makarating ay agad kaming dinala ni kuya sa rest house. Malaki ito at sobrang ganda. Halatang pinasadya talaga.
Nang makaalis si Kuya Carlos ay nagkanya kanya na din kaming walo. Si Jhoy at Solene ay dumeretsyo sa kusina para ihanda ang mga dala naming pagkain. Sina Yves at Lindsey ay abala sa paghahanap ng spot sa pagselfie. Samantala si McZinn at Gaia naman ay prenteng naupo lamang sa sofa habang nag c-cellphone, may wifi na nga pala sa rest house. Ako naman ay naisipang maglibot libot para mafamilize ang paligid.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang presensya ng kung sino sa likod ko, at paglinggon ko dito ay bumungad saken si Calista.
“Ang ganda dito, maraming halaman nakakarelax.” Anito. Umakbay siya saken at sinabayan ako sa paglalakad. Mas mataas ako ng kunti pero hinayaan ko na lang.
Napangiti naman ako at walang pag aalinlangan na nilagay ang kamay ko sa bewang niya. Tumingin ito saken dahil sa ginawa ko. Nginitian ko lamang siya at ipinagpatuloy na ang paglalakad namin sa ganung posisyon.
Nilibot namin ang pangalawang palapag ng rest house. Dalawa lamang ulit ang silid pero double ang laki kesa sa mga kwarto namin ni McZinn sa bahay. King size din ang kama kaya siguradong kasya kahit limang tao.
Paglabas ng ikalawang kwarto ay naglakad na kami pababa pero may napansin pa kaming pinto, balkonahe pala. Nag tunggo kami doon at magkasabay na namangha dahil sa napakagandang tanawin. Tanaw na tanaw ang dagat sa parteng ito at napakasarap ng simoy ng hanggin. Hindi rin mainit dahil nasisilungan ng isang lamaking puno na nasa tabi.
“I miss this.” Bulong ni Calista habang nakapikit na dinadamdam ang simoy ng hangin, at sa di mabilang na pagkakataon ay napangiti niya ako. Ang ganda ng side profile niya, hindi nakakasawang pagmasdan. Wala naman siyang ginagawa pero pakiramdam ko sobrang saya ko tuwing kasama ko siya, kaparehas na saya tuwing kasama ko si McZinn.
“Pwede magtanong?” Aniko.
“Sige.” Simpleng anito.
“Gusto kasi kita makilala, if okay lang sayo.”
“Hmm, ano ba yun?”
“Ahm, h-hindi kasi ako magaling sa ganto pero ahm…”
“Gusto mo malaman yung personal details ko?”
“Full name pwede?” Malambing na tanong ko. I donno what I'm doing, pero gusto ko magpababy sa Isang to.
“Calista Vergara.”
“Age?”
“22”
“Oh, ahead ka lang pala ng isang taon. Anyways, thank you nga pala sa pagsagot na feed na ang curiosity ko, ate Cali.” Nakangiti kong sabi. Natawa naman siya, hindi ko alam kung bakit sobrang saya ata niya bigla, pero oo ngiting ngiti siya. Ang cute nawawala mata parang si McZinn.
“Name at age ka lang nacurious? Wala ng iba?” Pabiro nitong tanong. Well tama naman kasi hindi lang yun ang gusto ko malaman tungkol sa kanya kasi gusto ko talaga siyang makilala. Nahihiya na akong magtanong, pero since mukha namang nakukulangan pa siya sa mga tinatanong ko ay go na.
Ilang sandali pa ay nagsimula na akong magtanong na sinasagot niya naman agad. Nagkukwento din siya ng kunti pero sapat na para ma satisfied ang curiosity ko. Sa America pala siya lumaki kasama ang Lolo’t Lola n'ya at doon niya nakilala si McZinn. Sila pala ang mag bestfriend since childhood at nakilala lamang nila sina Jhoy at Yves sa Pilipinas 2 years ago.
Nagsimula na din ako magkwento ng tungkol sa buhay ko pero habang nagkukwento ako ng tungkol sa childhood ko ay napansin ko ang pagkawala sa mood ng kausap ko. Tatanongin ko na sana pero natigil ang paguusap namin ng makita mula sa kinatatayuan ang pagdating ng jeep ni Kuya Carlos at kasunod nun ay ang tatlong van at dalawang truck.
Anong nangyayari?
🦂🌸
![](https://img.wattpad.com/cover/369798470-288-k775684.jpg)
BINABASA MO ANG
HOUSEMATES|Mikhaiah: 8 Series #1 (Under Revision)
FanfictionThis story is about two individuals that was born and raised with a golden spoon but grew different. One is an independent and responsible college student named, Ashianna Arceta, and one is a rebellious and a troublemaker named, McZinn Lim. One day...