"And I know it's long gone and there was nothing else I could do
And I forget about you long enough to forget wh---"
Inalis ko ang nakapasak na earphone sa aking tainga habang tinatanaw sa labas ng bintana nitong jeep ang palatandaan kung saan ako bababa.
"Sa kanto lang po..." sambit ko at agad namang huminto ang jeep sa tapat ng kanto.
Tumapat ako sa pedestrian lane at doon naghintay ng pagkakataon para tumawid.
Napatingin ako sa lalakeng nakamotor sa kabilang kalsada, sa may bakery. Nakatingin din ito sa akin.
Ahh nakikilala ko ang lalakeng iyon, schoolmate ko s'ya noong college. Tagakabilang barangay lang s'ya at madalas ko s'yang nakikitang nagbabike dito sa baragay namin noong napasok pa kami.
If I'm not mistaken, Jerwin ang name n'ya. Malamang ay nakikilala rin ako nito kaya s'ya nakatingin sa akin.
Natatandaan ko pa na ilang beses niya ako noon kinulit para payagan s'yang manligaw sa akin pero, hinde ako pumayag.
Hinde ako pumayag dahil may iba na akong gusto ng mga panahon na iyon.
Tipid na lang akong napangiti sa aking sarili noong maalala ko ang lalakeng pumukaw ng aking atensyon dati.
Sampung taon na rin pala ang nakakaraan magmula noong makagraduate ako ng college.
Eight years na rin pala mula noong huli kaming magkita.
***
NOTE: This story is a work of fiction. Names, characters, places and incidents or events are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental. All rights reserved. No part of this story may be reproduced, stored in retrieval system, or transmitted, in any form or by any means, electronic, mechanical, recording or otherwise, without the prior permission of the author. Thank you.
BINABASA MO ANG
August (The sultry haze of late August)
General FictionSo much for summer love and saying "us" 'Cause you weren't mine to lose Inspired by the song "August" by Taylor Swift