RHYS POV
Lumipas ang linggo, Monday na ngayon at nag-r-ready na ako para sa sport fest, sa volleyball ako sasali ngayon at basketball. Si Estelle ay sa baseball daw, nag-r-ready na rin siya.
"Hello, Everyone! Good morning, Peoples!" Bati ko habang pababa sa hagdan, agad naman silang napatingin sa 'kin.
"Wow, ang handsome mo naman talaga, Baby!" Nakangiting sabi ni Mommy at hinalikan ako sa pisngi saka inamoy-amoy.
"Mommy! 'wag mo naman simutin ang pabango ko!" Natatawang sabi ko, natawa naman sila. Ando'n na si Estelle at Dad sa dinning table.
"Kamukha mo lang ako no'ng nililigawan ko ang Mommy mo" Nakangiting sabi ni Dad na parang may inaalala, kinilig naman si Mommy at hinampas si Dad sa braso kaya natawa kami ni Estelle. Nagsimula na kaming kumain at maya-maya ay halos masamid ako sa tanong ni Dad.
"Wala ka pa bang nililigawan, Rhys?" Nakangiting tanong niya, naubo naman ako kaya natawa siya at si Estelle. Si Mommy naman ay mukhang nag-aalala na.
Naalala ko tuloy no'ng nasamid si.... Anastasia, no'n sa falls.
"O-okay lang ako, Mom.. Wala pa po, D-Dad!" Agad na sagot ko, tumango naman si Dad at natawa.
"Why? Gwapo ka naman, bakit wala kang Girlfriend?" Tanong niya, halos hindi na tuloy ako makakain.
"Ah, I think she likes someone else that also likes someone else! HAHAHAH!—" Tawa ni Estelle, pero seryosong tumingin si Dad sa kaniya kaya natahimik at natigil siya sa pagtawa, napatingin naman ako sa pagkain ko at hindi na umimik.
"A-ahh... I'm sorry, I thought you're not serious. I didn't mean to offend you, Rhys" Halos ma-iyak na sabi ni Estelle, ngumiti ako sa kaniya.
"It's okay, Estelle" Nakangiti at sinserong sabi ko, ngumiti rin naman siya.
"May I know who's that girl, Ijo?" Tanong ni Dad, napatingin sa 'kin si Mommy na parang naawa kaya ngumiti ako sa kaniya.
"Ah... from my school po, hehe" Sagot ko, naiilang na.
"We should meet her first, to see if she's worth it, Baby!" Si Mommy, natawa naman ako.
"Even though she's worth it, I can't do about it, Mom. As what Estelle's have said, she's in loved with someone else" Mapait ang ngiting sabi ko, natahimik naman sila.
"Who's that ba, Baby?" Maya-maya at tanong ni Mommy, kumurap-kurap lang ako at hindi nagsalita.
"Do you mind if I tell them?" Tanong ni Estelle, ngumiti ako sa kaniya. "He likes your friend's daughter, Mom. Aunt Mazie and Auncle Franklin" Sabi ni Estelle, nagulat na tumingin sa 'kin sila Mommy and Dad, nailang naman ako.
"Don't worry, Mom, Dad. It's just a 'crush' thing, no worries"
"Baby, do you really like her?" Tanong ni Mommy, napa-isip ako at umiling.
"I don't know, Mom. Maybe I'm just infatuated? Or maybe I'm in love, nasa dalawa lang po 'yon. U-uhh... I have to go, mag brush na po muna ako then aalis na. Thanks for today, take care!" Nakangiting sabi ko at tumayo saka nag-brush at umalis, ewan ko kung saan sumakay si Estelle. Baka nag-drive mag-isa or nagpahatid.
"Hi, Rhys!" Nagulat ako at napalingon sa side ko, si Borah kasama si Stacey na may hawak na case ng cue stick. Napangiti ako at kumaway sa kanila.
"H-hi, Borah...Stacey!" Bati ko rin, magkasabay na kami ngayong naglalakad. Tahimik lang si Stacey.
"This is your first day here, right?" Tanong ko, tumango naman siya.
"2nd year, senior high. ABM" Nakangiting sabi niya, ako naman ang tumango at napatingin kay Stacey.