CHAPTER 14

652 13 4
                                    

JAY-JAY

"My turn."

Sumingit si Hari ng mga Ulupong sa kusina. Tutulungan niya raw ako nag hugas. Natawa ako nung hindi siya marunong at may balak pa talagang tulugan ako.

"Talaga lang? Ni-hindi ka nga marunong, oh!" Turo ko sa mga kamay niya na may sabon.

Napakamot naman siya sa noo niya. Tinuruan ko siya kung paano. Siya taga-sabon, ako naman ang nag babanlaw ng hugasin.

Tahimik lang kaming dalawa. Tanging pag huhugas lang namin ang nag iingay.

"After sleeping, let's plan. Do you agree?" Pambasag niya sa katahimikan.

"Ikaw bahala. Kayo ni Yuri mag usap muna, kung saan kayo, doon din ako."

Hindi ko siya tinignan. Bigla na lang ako nagulat nung nilagyan niya ng sabon ang tungki ng ilong ko.

"Keifer!" Singhal ko at inalis ang sabon sa ilong ko. Tumawa naman ito.

Bigla akong natigilan nung makita ko itong tumawa. Totoong tawa iyon at hindi pilit.

"Now, you call me by my first name." Tumingin pa ito sa akin na nakakaloko at nilagyan ulit ng sabon ang pisngi ko naman.

"Ah ganon?!" Ako na hindi nag papatalo. Kinuha ko sa kamay niya ang sponge at piniga iyon.

"Gusto mo pala 'to ha, ito sayo!" Pag ganti ko. Nalagyan ang buhok niya at pisngi niya na ikinasalubong ng kilay niya.

"What the-"

"Anong what the- what the ka d'yan?!" Tinignan ko siya ng masama. Agad naman nag bago ang ekspresiyon niya at nag laro na kami ng bula.

Tinitili ko ang pangalan niya at siya naman panay ang tawa dahil tuwang tuwa siya sa itsura ko.

Hindi namin namamalayan na marami na palang nanonood sa amin. May pag video pa! At si Ci-N yon!

"Ci-N Peralta!" Sigaw ko sa pangalan niya.

May mga bumubulong bulong pa na ang sweet daw! Anong sweet dito sa gagong 'to?! Eh, mapang-asar nga!

Ang ending, naligo ako. Ang lagkit kasi ng sabon. Ganoon din si Hari ng mga Ulupong. Nag kasalubong pa kami na lalo kong ikinainis. Mag katapat ang girls bathroom at boys bathroom. Talagang sabay pa kami!

"Nakakainis ka!" Singhal at duro ko sa kaniya. Tumawa naman siya at sinundan ako.

Pagkapasok ko sa classroom, ang lamig!

"Gago? Kailan pa nag kalaroon ng aircon ang kwarto natin?" Nagulantang kong sabi.

"Keifer provide this. Hindi raw kasi siya makatulog na walang aircon." Sabi ni Dabid.

Pumalakpak ako. "Wow, grabe! Yayamanin!" Pinanlakihan ko siya ng mata at ngumisi nanaman siya. Nakakabwisit!

Lumapit ito sa akin at pinisil ang dalawa kong pisngi gamit ang dalawa niyang kamay. Sinampal ko naman 'to ng twalya.

"Ouch!" Sinamaan niya ako ng tingin.

"Deserve mo yan! Tse!"

Inalisan ko siya at dumaretso ako sa higaan ko. Kasamaang palad, katapat ng higaan ko ang higaan niya. Nakakainis na!

Inirapan ko ito at nag patuloy mag patuyo ng buhok.

"Tulog muna tayong lahat. Mamaya na raw mag meeting sabi ng gago." Pahabol ko at pinatay ang ilaw. Narinig ko pa ang singhal ng gago. Nag tawanan naman ang iba.

Ang Mutya ng Section E (FANMADE)Where stories live. Discover now