(Read the part of the prologue before "7 years later" to learn more about this part)
Present Time
Dream's POV
Pitong taon na ang lumipas simula nang namatay sina mama at papa at inampon ako nina mommy at daddy ay ipinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat upang maibalik ko sa kanila ang tulong na ginawa nila para sa akin.
Hanggang ngayon sobrang sakit pa rin nung nangyari at hindi ko pa rin matanggap na wala na sila. Nakatatak pa rin sa puso ko at tila ba ay parang tattoo na hindi matanggal-tanggal.
"Mama... Papa, 16th birthday ko na po ngayon. Miss ko na po kayo" Malungkot kong sinabi habang hawak ang natatanging larawan nilang natitira sakin.
5 am pa lang pero maaga na akong gumising para tulungan sina yaya sa baba. Nakakahiya naman kasi kina mommy, daddy at kuya kung wala akong ginagawa at para lang nagiging pabuhat sa bahay.
Agad naman akong bumaba at masayang binati ng mga kasambahay sa bahay. Sa pitong taon ko kasi sa bahay na ito ay naging close na rin kami, lalong lalo na si Manang Lolita. Siya ang naging yaya ko at laging tumutulong sakin sa lahat.
"Magandang umaga po Señorita, ang aga niyo naman po nagising" Bati sa akin ni Manang Lolita.
Dahil sa pagiging omega ko ay sa halip na Señorito ay Señorita ang tawag sa akin ng mga kasambahay.
"Manang, Dream na lang po, paulit-ulit na eh" Pabiro kong sinabi kay Manang.
Matagal ko na kasing sinasabi sa kanya na Dream na lang ang itawag sa akin pero likas na makakalimutin na si Manang lalo't 72 na siya ngayon.
"Ay pasensya na Dream anak, oo nga pala Happy birthday ah, pasensya na wala akong regalo sayo" Wika ni Manang at napangiti naman ako.
Sa kabila kasi ng pagiging malilimutin niya ay kahit kailan hindi niya nakalimutan ang kaarawan ko.
"Okay lang po manang. Sapat na po na naalala niyo yung birthday ko" Masaya kong sabi kay Manang.
Kahit noon pa naman ay lagi na niya ako pinapasaya sa pamamagitan ng pag alala ng kahit maliliit na bagay lamang.
Ngumiti naman si Manang pabalik sa akin at hinawakan ang aking mga kamay at tinitigan ako ng malalim sa mata.
"Napakabait mo talagang bata. Sigurado ako na proud na proud sayo ang mga magulang mo sa itaas at kahit sina Sir at Ma'am" Tumulo naman ang mga luha ko sa sinabi na ito ni Manang.
Agad ko siyang nayakap at pagkatapos ay bumitaw.
"Tama na nga yan Manang, naiiyak ako eh. Halika po tulungan ko po kayong magluto" Masaya kong sinabi kay Manang habang patuloy na tumutulo ang luha.
Sinama niya naman ako sa kusina para makapag luto na.
Matapos ang isang oras ay natapos na kaming magluto ni Manang at hinain na ang mga pagkain sa napakalaking mesa. Kahit 4 lamang kaming kakain ay talagang napakarami ng hinahain. Ito kasi ang gusto nina mommy at daddy.
Sakto rin kasing 6:00 am nagigising si Kuya Theo. Mapili sa pagkain si kuya kaya naman dapat masarap lahat ng hinahain ng mga kasambahay. Sensitive kasi si kuya at madaling magalit. Kaya naman aware kaming lahat.
Sobrang mahal nina mommy si kuya at nakukuha niya lahat ng gusto niya. Sa edad na 14 ay niregaluhan na siya ng mga kotse. Limang klase para sa kaniya. Lamborghini, Rolls Royce, Mercedes, Porsche at Ferrari.
Kada taon nagbabago siya ng kotse. Depende kung ano ang bagong launch. Ako naman, hindi na ako nag e-expect ng mga regalo kasi ampon lang naman ako pero kada birthday ko may regalo galing sa kanila. Lalo na mula kay Kuya Theo.
Laking pasasalamat ko sa kanila sa pagkupkop sa akin. Dahil sa kanila nagbago ang buhay ko. Siguro kung hindi nila ako inampon, ulila na lamang ako ngayon.
Habang malalim ang iniisip ko ay nabulabog naman ito nang napansin ko si Kuya Theo, naglalakad pababa sa hagdanan at nakatingin sa amin gamit ang kaniyang malamig na mata.
"Happy birthday, my little princess" Bati ni kuya.
Kitang kita ko ang mga mata ni kuya na nagbago mula sa pagiging malamig ay tila ba ngumiti ito.
Nagulat naman ako nang yakapin niya akong mahigpit na para bang ayaw na niya bumitaw. Sobrang higpit ng yakap pero ang sarap sa pakiramdam.
"Salamat po kuya" Pasasalamat ko at agad siyang niyakap pabalik.
Sobrang close kasi kami ni kuya. Naaalala ko pa nung kakadating ko pa dito sa kanila ay siya pang nagyaya sa akin na tingnan at libutin ang bahay para masanay na.
Tandang tanda ko pa kung paano niya hawakan ang kamay ko gamit ang maliliit niyang kamay na ngayon ay napakalaki na. Parang kaya na yatang sakupin buong mukha ko.
"May surprise sayo si kuya. Gusto mo ba makita? Sabi ni kuya habang niyayakap ako.
Tumango naman ako at agad niya akong hinila papasok sa kwarto niya at doon ay bumungad sa akin ang isang kwintas na nasa loob ng isang bubog na lalagyan.
Nanlaki naman ang mga mata ko habang tinititigan ang kwintas. Halatang gawa ang kwintas sa diyamente. Kumikinang pa ito at para bang tinititigan ako. Ramdam ko na para bang ginawa talaga ito para sa akin.
Niyakap ako ni kuya mula sa likod at mahigpit ang pagkakahawak sa bewang ko. Pinatong niya ang baba sa mga balikat ko at ramdam ko ang malumanay niyang pagkagat sa tenga ko.
"Do you like it, princess?" Tanong sa akin ni kuya.
Humarap naman ako sa kaniya habang mahigpit pa rin ang hawak sa aking bewang.
"Kuya, ang ganda po..." Sagot ko at tumawa naman siya gamit ang boses niyang napakalalim
Tinitigan niya ang kwintas ng malalim at ngumisi at bumalik ang titig sa aking mga mata.
"That necklace is especially made for you... I know how much you admire diamonds princess, I know how much you love shiny things. Those diamonds are just like your eyes. They sparkle whenever I stare at them."
Matamis niyang sabi.Bumitaw si kuya sa pagkakayap sa akin at binuksan ang bubog na lalagyan at marahang kinuha ang kwintas na kanina ko pang hinahangaan.
"Come here, princess" Wika ni kuya at agad naman akong lumapit sa kaniya.
Hawak ang kwintas ay dahan dahan niya itong sinuot sa akin. Pakiramdam ko ay may koneksyon ako sa kwintas. Para bang ginawa talaga ito para sa akin. Ngunit may naramdaman din akong kakaiba.
Hindi ko maipaliwanag pero para bang may mali. Tinitigan ko ang kwintas at wala naman akong napansin. May tiwala ako kay kuya kaya binalewala ko na lang ang nararamdaman kong iyon.
"This necklace cost a lot, princess. 50 million, so take care of it, okay?" Paalala sa akin ni kuya
Hindi na ako nagulat ako sa presyo ng kwintas. Gawa ito sa totoong diyamente at alam ko naman na ganito ang ireregalo ni kuya Lalo na't matagal na niyang sinasabi sa akin na hindi na siya makahintay na maging 16 anyos na ako.
"Salamat po talaga kuya. Um kain na po tayo?" Tanong ko kay kuya.
"Go ahead, susunod na lang ako" sagot ni kuya.
Tumango naman ako at umalis na sa kwarto at sinara ito. Hindi pa rin maalis sa pakiramdam ko ang takot. Para talagang may mali. Ang bigat pero hindi ko na pinansin
Pagbaba ko ay agad napansin ng mga kasambahay ang suot kong kwintas. Sobrang nagandahan sila dito at dikit na dikit ang mga mata.
"Ang ganda naman po niyan Señorita" Sabi ng isa naming kasambahay.
"Oo nga po eh, galing po yan kay Kuya" Sagot ko habang hawak ang kwintas.
...
Theo's POV
"Oo nga po eh, galing po yan kay Kuya" Iyan ang mga salita na agad kong narinig saktong pagbukas ko ng isang app sa cellphone ko.
Ang sarap sa pakiramdam ng boses mo Dream. Tamang tama lang na maglagay ako ng camera, recorder at gps sa kwintas na yun.
Hindi ako torpe. Gusto ko napapakinggan ang boses mo Dream. Kada araw, oras, minuto kahit segundo! Tang ina mahal na mahal kita. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Akin ka lang!
YOU ARE READING
ESCAPING THE OBSESSED • BXB • MPREG
RomanceDahil sa maagang pagkaulila ni Dream ay kinupkop siya kilalang kaibigan ng kaniyang mga magulang, ang mga Salvacion. Nakilala niya dito ang anak nila na si Theodore Damian Hunter Salvacion. Ang lalaking ang inakala niya ay tinuturing siyang kapatid...