14 years old palang ako sari't saring karanasan na ang aking nakikita at naranasan.
Namulat ako sa pamilya na magulo at maingay na puro problema na lamang.
Ang Mama ko ay palagi nalang sumisigaw tuwing umaga. Nagbabasag ng mga plato at baso na kadalasan binabato sa manyak kong tito na papa ng aking isang kapatid.
Pangalawang asawa na siya ni Mama. Hindi na kase kame binalikan ng papa ko at hindi daw tamang tao si Mama para sa kaniya.
Aminin man sa hindi, sobrang basura ni Mama. sugarol at puro bisyo. Madalas din siyang balita sa kanto na kung sino sino ang lalaki na kinakasama dis oras ng gabi.
Ulat pa nga ng iba na kapag natatalo na si Mama sa sugal at walang maibayad sa kaniyang mga utang ay katawan ang kaniyang binabayad para lamang makabawas bawas sa kaniyang mga pinagkakautangan.
Dahil sa ganito ang uri ng pamilya meron ako, Hindi nako nakapag tapos ng pag aaral. Maaga ako pinagtrabaho ni mama kahit na wala pakong alam sa mga bagay bagay.
Kaya't hindi narin gumanda buhay ko dahil sa meron akong binubuhay na batugang lalaki at walang kwentang mama.
YOU ARE READING
Borrowed Lust
FanfictionThe Borrowed Lust explores themes of love, desire, and the complexities of human relationships. It delves into the intricacies of passion, guilt, and the search for true happiness in a world where temptation lurks at every corner.