pt.11

2 0 0
                                    

Nagsidatingan na ang mga team nila Ian at wala s'ya pati si Abby sa pumasok.

Pilit lang tinatanaw ng dalaga ang entrance.

"Si Ian ba? Labasin mo na kasi HAHAHAHA" sulsol ng dalawang kaibigan n'ya.

Lumabas naman din si faby pero paglabas n'ya ay bumungad sa kanya ang nakasimangot na Ian na pilit tinatanggal yung kapit nung Abby sa braso n'ya ngunit parang lintang nakadikit ito sa kanya.

"Madam" gulat na tawag ni Ian sa kanya

Ngunit si faby ay nakatingin lang sa kamay ng Abby na nakakapit sa braso ni Ian.

Wala namang pakialam itong si Abby at tuloy pa rin sa ginagawa.

Dere-deretsong naglakad si faby sa gitna ng dalawa dahilan para matanggal ang pagkakapit ng Abby sa binata.

Lalabas sana si faby para magpahangin  pero tinawag s'ya ng Coach para maglaro.

"Faby vs. Abby!" sigaw ng mga ka team nila

"Pusta ko pagkatao ko, kay madam ako" sinimulan ni Ian ang pustahan kaya sinundan na din ng mga kateam nila

'pusta ko kotse ko, kay faby kami'

'pusta ko 5h, dun sa abby'

'pusta ko sa Abby, Gucci glasses'

'pusta ko titulo ng bahay namin, kay faby ako'

Nagsimula na ang laban, ang lahat ng tao roon ay seryosong nanonood.

Si Abby ang sasargo, may naihulong syang stripe at solid, pero dahil hindi maganda ang pwesto ng mga solid balls, nag decide itong mag stripes.

Napangisi naman si faby
"Play safe huh?" ani pa nito.

Dalawang bola nalang ang hindi pa naihuhulog ni Abby.

Ngunit sa pagkakataong ito ay mahina n'yang pinatamaan ang bola dahilan para mapunta ito sa pagitan ng solid balls ni faby.

"Ganyan mo'ko hinahangaan? You know what my weakness is" natatawang ani ni faby

"Asa, Good luck" ani naman ni Abby at plastic na ngumiti.

Inunang tinira ni faby ang mga bolang madaling ihulog para walang sabagal mamaya pag tinira n'ya yung dalawang stripes (9 at 12) n'yang napagitnaan ng solid ball.

Basic naman n'yang hinulog ang lahat, nag-focus ng mabuti si faby at sinukat pa ng tako ang table.

Nag aabang ang lahat sa gagawing tira ni faby, specially ang coach nilang si Coach Pi.

'unahin n'ya muna yung 9, patamaan n'ya sa gilid para bumanda sa kanto ng butas'

'tanga pre, malabong may naihulong s'ya kung ganyan ang pwesto ng White ball nya'

bulungan ito ng mga nanonood

Pumwesto na si faby, at tumira, naipasok n'ya ang dose pero dahil malakas ang pagkakatira n'ya, gumugulong pa ang White ball at tinamaan rin nito ang nuebe dahilan para mashoot ito.

Grabeng papuri at palak palakan ang nangyari dahil sa tira n'yang iyon. Tinapos ni faby ang laban, nanalo s'ya.

Agad namang lumapit ang tuwang tuwa na si Ian sa kaniya, natigil kasiyahan ng mga nanonood nang yumakap si faby kay Ian.

Nagulat si Ian, sa ginawa ng dalaga pero parang sasabog na ang dibdib n'ya sa ginawa ng dalaga.

"Sorry nadala lang ng emosyon" paumanhin ni faby at nagkahiyaan pa ang dalawa.

Umakbay naman si Ian sa kanya

"Ang galing mo madam, congrats. Tapos kana, tara arcade?" Aya ni Ian

"Tara, G!" masayang pagpapayag ni faby at umalis na ang dalawa at iniwan ang mga kasama nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AUWhere stories live. Discover now