PART 1

0 0 0
                                    

"Pakiusap po aming mahal na diyosa nagmamahalan po kami" Pag papakiusap ni Ace sa dyosang si Freya.

"Hindi maari! Alm nyong hindi maari ang pagmamahalan ng iisang kasarian, babae at lalake laman" Galit na pasigaw na sabi ni Freya na dyosa ng pag-ibig.

"Pero-"

"Bilang kaparusahan nyong dalawa, makakalimutan nyong dalawa ang isa't isa at malalayo kayong dalawa ng landas"

"Huwag po parang awa nyo na gagawin po namin ang lahat huwsg nyo lang po kaming parusahan." Pakiusap ni asher.

"Sa loob ng isang minuto ay mag uupimsa ang aking parusa sainyo" Sabi ni Freya na diyosa ng pag-ibig.

Lumuluhang nakayakap si Asher kay Ace at nakatulala naman si Asher sa napaka gandang tanawin sa ilog na kanabi nila.

"Basta aking mahal lagi molang tatandaan na kahit anong mangyari ikaw parin ang nilalaman ng aking puso" Lumuluhang sai ni Ace.

"Mahal na mahal rin kita Ace, kahit anong mangyari tayo at tayo parin hanggang sa dulo, ikaw lang ang aking mamahalin, makalimutan man kita sa aking isipan ay hinding hindi malilimutan ng aking puso na ikaw ang aking mahal." Lumuluhang sabi ni Asher kay Ace na syang lumuluha rin.

Habang lumuluha ang dalawa ay biglang naalala ni asher ang sinabi ng diyosa na sa isang minuto ay mawawala na ang kanilang ala-ala.

"Aking mahal ilang segundo nalang" Paalala ni asher kay ace.

"Oo ngs aking mahal." Lumuluhang sabi ni ace.

"5" Sabi ni asher.

"4" Pag patuloy naman ni ace.

"3"

"2"

"1" Sabay na Sabi ni ace at asher habang may mga luhang pumapatak sa kanilang mga mata.



Noong panahon pa ng mga diyos at dyosa, may isang bukod tanging napaka striktong diyos, sya ang dyosa ng pag-ibig, sya si Freya.

May isang bayan na nangangalang Drayton na nasa taga pangalaga ni Freya ang diyosa ng Pag-ibig, sya ay kinakatakutan sa kaninlang bayan, sapagkat siya ay isa sa pinaka mahigpit sa kanyang patakaran.

Una dapat ay pag lubog ng araw ay wala ng nasa labas, pangalawa hindi kayo maaring lumabas ng bayan, pangatlo kailangan ninyong mag alay sakanya ng mga regalo, kung hindi ay isang matinding kaparusahan ang aabutin, at marami pang ibang striktong patakaran.

Nag tataka ang mga mamamayan ng Drayton sapagkat si freya ay isa lamang dyosa ng pag-ibig at hindi diyos ng mga patakaran. Pero alam ng diyos ng patakaran na si Amadeus na kapag kinontra nya si freya ay paparusahan sya ng diyos ng mga.

Asher's POV

"ASHH!!!!" sigaw ni inay na muntik na akong mahulog sa aking higaan sa gulat.

"Halika na dito at tayo ay mag uumagahan na." dagdag pa nito.

Isang magandang araw na naman ang dadating sapagkat makikita ko na aking aking pinaka mamahal na si Ace.

"Kay gandang umaga sinyong lahat!"sigaw ko habang nakatingin sa mga tao sa aking bintana.

"Kay gandang umaga rin saiyo Asher." Sabay ng sabi ng aming mga kapitbahay.

Pumunta na ako sa aming kusina para tulungan si inay sa pag aayos ng aming kakainan, hindi ko parin talaga makalimutan ang nangyari kagabe, napaka saya!

"Asher totoo ba ang isunumbong ni Miranda saakin?" sabi ni inay saakin.

Laking mata ko ng marinig ko si inay, ano kaya isinumbong ng aking nakakainis na papatid na si Miranda? Hindi kaya yung nangyari kagabe? Oh di kaya nung isang araw? O di kaya tungkol saamin ni ace.

"ano po iyon inay?" takot kong sagot kay inay.

" ikaw daw ay nagpuyat, totoo ba iyon?" tanong saakin ni inay.

" Ay pasensya napo inay hindi po kasi ako

makatulog kagabe kakaisip sa aking nagugustuhan." Sagot ko naman kay inay

laking papasalamat ko talaga dahil iyon lang ang isinumbong ni Miranda kay inay.

Umalis na si inay sa kusina at ako nalang ang naiwan, pero inis na inis parin talaga ako sa kababata kong kapatid, palagi nya akong gusting ipahamak kay inay.

Pagkatapos naming kumain lumabas na ako ng bahay para pumunta saaming tagpuan ng aking minamahal.

"Ano kuya kabado? Pasalamat ka hindi kita isinumbong sa nangyari kagabe kuya." Sabi nya ng hinarangan nya ako sa pintuan namin.

"Alam mo Miranda naiinggit ka lang saakin kasi ako may nagmamahal saakin hindi katulad mo, dahil sa sama ng iyong ugali walang nag mamahal saiyong lalaki." sagot ko naman sakanya.

Umalis na ako para pumunta sa aming kitaan ng aking mahal, nakita ko si Hektor na aking matalik na kaibigan, sya rin ang tumutulong saamin para magkita kami ng aking minamahal.

"Asher ano balita kagabe? Masaya ba?" Tanong saakin ni Hektor.

Hindi ko talaga akalain na ganon kasaya ang nangyare kagabe, laking pasalamat ko kay hector dahil kung hindi dahil sakanya ay nahuhli na kami ni Ace na paalis sa bayan ng Drayton pa punta malapit sa ilog.

"Hektor maraming salamat talaga saiyo ha kung hindi dahil saiyo ay baka nahuli na kami ni ace kagabi." Sabi ko sakanya.

"Ano bang ginawa nyo sa labas ng drayton?" tanong pa nya saakin.

"Pumunta kami sa Ilog malapit lang dito." Sagot ko.

"tapos nag usap usap lang kami, habang nasa Bangka lang kami at nasa gitna ng ilog, tapos nag babalak kaming umalis dito, pag punta pangalang sa ilog ay ang dali dali na pag takas pa kaya." Dagdag kopa

"kailan nyo balak? Isama nyo ako ha ayoko kong mawalay sayo dahil ikaw ang matalik kong kaibogan at nagiisang pamilya ko, pero paano pala yung pamilya mo? Tatay mo? Nanay mo?" tanong nya.

"ok lang yan dadalaw naman ako dito paminsan minsan" sagot ko naman.

"Pero paalala kolang saiyo napaka delikado ng inyong ginagawa at sa balak nyong gawin, pag kayo mahuli ni dyosa baka kung anong gawin sainyo ni ace." Paalala pa nito.

Whisper of loveWhere stories live. Discover now