Philomena Jazzlyn's (PJ's) POV
"Ano ba kasi talagang nangyari at nagyaya kang uminom ngayon?"
Palinga-lingang tanong ni ate Kimberly Jaia Bautista aka ate Kim, ang ate namin. Malamang naiilang ito dahil hindi naman siya ganoon kasanay dito sa bar na 'to o kahit saan mang bar. Conservative ang lola niyo.
"Wala lang", maikli kong sagot at pilit tinatanggal sa sistema ko ang sakit na dulot ng nakita ko kanina.
"Anong wala? Hoy, Philomena Jazzlyn Pineda aka PJ, bakit hindi mo sabihin sa kanila ang totoo ngayon kung bakit ka nagkakaganyan?" Sermon naman ni madam Shamara niyo.
"Grabe ka naman, Shamara Faye Martinez aka Sham, sa pagbanggit ng buong pangalan ko?" Sarkastikong balik ko sa sinabi nito at tinarayan pa ito. Friendly na taray lang naman hihi~
"Oo nga naman kasi PJ, ano ba talagang nangyari?" Tanong naman ni Amelie Rose Salazar aka Amy na nakacross-arms pa. Hindi halatang uhaw ka sa chismis bes?
"Sorry guysss!!! Muntik lang nalate! Busy kasi!!!" Nagmamadali at tila hingal na hingal na saad ni Melody Dyreen De Guzman aka Melds.
"Busy saan?" Mapang-asar na tanong ni Amy habang nakangisi.
Makahulugan namin siyang tinignan at kita naman sa mata nito ang pagtataka.
"Bakit" naiilang na tanong nito at nakataas pa ang isang kilay.
"Sa susunod na pupunta ka dito, sana takpan mo muna 'yang kagat ng lamok sa leeg mo" makahulugang sabi ko naman habang napapailing at nakangisi sabay tungga ng alak na sa baso na hawak ko.
Napailing lang ang apat.
Gulat namang tinakpan ng bruha ang leeg nito at halatang namula.
Tsk! Maghihiwalay din kayo!
"H-ha? Pinagsasabi niyo?" Pagmamaang-maangan nito at hindi na makatingin sa amin ng matino. Pilit din itong nakangiti at halatang nahihiya.
"Ha? Hatdog", siraulong sagot ko na inirapan niya lang at tinawanan naman ng iba.
"Ang sipag niyo ni Andrei ah? Baka may mabuo na ah?" Nakangising pang-aasar naman ni Sham nang makaupo ito sa table namin. Tamo itong babae na ito! Hindi ko alam kung anong nangyari eh, pero anghel talaga 'to dati kaso ngayon...demonyita na ata? Ah! Ewan.
"Aray!" Daing nito sabay tawa. Bakas pa din ang pang-aasar sa boses nito kahit hinampas na siya ni Melds na tumahimik na lang dahil sa hiya.
Maya-maya pa'y natahimik na sila sa pag-aasaran nang mapansing tahimik ako.
"PJ. Spill it", ate Kim said seriously and with that, tears started to blurry my vision when the memories of what happened earlier flashed through my mind, breaking my broken heart once again.
"T*ng*n* niya 'te..." sambit ko habang umiiyak na at mahinang humihikbi.
Napahigpit na din ang hawak ko sa baso ko at damang dama sa dibdib ko ang halo-halong emosyon. Galit, dissapointment, at sakit.
Punong puno na din ang utak ko at sumasakit na ang ulo kakaisip ng dahilan kung bakit at paano niya nagawa sa akin iyon.
Agad silang nagsilapitan at inalo ako nang magsimulang mag-unahan sa pag-agos ang mga luha sa mga mata ko.
"Ano ba kasi talagang nangyari?" Sham asked. "Nagkatampuhan na naman ba kayo ni JM?" Dagdag pa nito habang hinahagod likod ko para aluin ako.
YOU ARE READING
Love You Unexpectedly-Series #1
RomanceKapag minsan ka ng nasaktan, magagawa mo pa din bang muling sumubok magmahal? Magagawa mo pa din bang magtiwala kung minsan na iting nasira ng taong malapit sa'yo? This is Philomena Jazzlyn Pineda and Edrix Justine Michael Angelo Havier's love stor...