Chapter 1

192 5 1
                                    

Super excited na ako. Atlast natanggap din ako bilang intern sa Soul High Jewelry. Nakatingala ako ngayon dito sa harap ng building  ng working place na pinapangarap ko. Nakangiti na akong pumasok at halos lahat ng makita ko ay binabati ko dahil sa sobrang saya ko. Pagdating ko sa floor kung saan pinapapunta kaming mga Interns ay hinanap ko sina Lin at Yo pero wala pa sila kaya naman tinawagan ko sila pareho sa group chat naming tatlo.

"Asan na kayo?" Bungad ko sa dalawa.

"Nadito na ko." Sagot ni Lin kaya napalingon ako sa likod ko. Palapit na nga siya kaya inooff ko na ang call ko sa kanya dahil nag eecho.

"Wait! Nasa may elevator na ako. May bastos lang dito kaya medyo natagalan ako." Si Yo na agang aga ay nakasimangot na agad. Ano mang problema nya ay sisiguraduhin ko na hindi makakaapekto sa good mood ko.

Maya-maya naman ay dumating na nga si Yo. May kabangayan pa itong matangkad na lalaki na nakasalamin. Natigil lang ang mga ito ng dumating ang masungit na lalaki na nag assign kung saan saan kaming department mapupunta. Sa design kami naassign. Mabait si Ms. Kaew na nagtotour sa amin. Nang nasa building na kami ng design department ay doon na kami nagpakilala isa isa at sinabi din sa amin ang tungkol sa dress codes at idinistribute na din ang aming id's. Inaayos ko ang id lace ni Lin ng magsalita si Ms. Kaew, agad akong napalingon sa pinto ng marinig ko ang pangalang tinawag nito.

"Prim, tamang tama ang dating mo para makilala mo ang ating mga bagong interns."

Starstruck na naman po ako kay P'Prim kahit hindi naman siya artista. Ramdam ko nga na napanganga pa ako sa pagtitig ko sa kanya.

'Napakaganda nya talaga!' Tili ko pa sa isip ko.

Kinikilig na naitakip ko sa bibig ko ang folder na hawak ko ng mapatingin ako kay Lin na nakatingin din pala sa akin.

Lumapit na nga sa amin si P'Prim at tumayo ito sa may harapan namin. Sa tabi ni Ms. Kaew.

"She's our deputy head, her name is P'Prim Lada." Pinakilala sa amin ni Ms. Kaew si P'Prim.

Magalang naman kaming nagsibati sa kanya. Seryoso lang siyang nakatingin sa amin.

"Kayo na po ang bahala sa amin." Nakangiti at magalang kong sabi sa kanya.

I wasn't expecting anything from her naman pero napahiya ako ng very light ng deadmahin lang niya ang sinabi ko at tinalikuran pa niya ako/kami para itanong kay Ms. Kaew kung natanggap na ba daw ang isinend na kung ano tapos ay nag usap na nga ang mga ito.

Nawala ang ngiti ko. Napatingin naman sa akin ang dalawa kong bestfriends.

"Bakit ang suplada yata ni P'Prim?" Sabi sa akin ni Yo.

"Yo, ganyan lang talaga pag mga cool na tao atsaka busy lang talaga sya." Pagtatanggol ko syempre sa taong tanging rason kung bakit dito ko gustong mag intern. My number one goal is to get close to her.

"So, sya pala yun! Iyong Idol mo na nanalo sa design competition dati sa University." Sabi ni Yo ng marealize niya kung sino si P'Prim base sa reaction at way ng pagsasalita ko.

Habang nagsasalita si Yo ay para akong nagde daydream na nakatitig lang kay P'Prim.

Dinunggol ni Yo ang balikat ko sabay sabi ng -  "Patay na patay ka talaga sa kanya, e no.!"

"Wag ka ngang maingay dyan! Kukurutin kita, eh!"

Ibinilin na kami ni Ms. Kaew sa mga tao doon sa department dahil may meeting pa daw ito at si P'Prim. Nang umalis na nga ang mga ito ay habol ko pa din ng tingin si P'Prim. Hindi ko pa sana aalisin ang tingin ko kay P'Prim kung hindi lang ako kinalabit na ni Lin dahil kinakausap na pala kami ni Mr. Juladis, iyong masungit na lalakwe este lalaki. Binigyan kami ng task for the day at iyon ay ang magdala ng mga pagkain para sa kanila. Buti nga at hindi ako kasali sa paglilinis ng salamin ng office at pagsasalansan ng mga kahon. Masyado naman kasi akong seksi at maganda para sa mga gawaing iyon di ba. 🤭✌️.

Sunset Vibes (AndaLookeaw Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon