36

447 17 1
                                    

BEWARE OF TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS!!!

                                 36
                            🍼🍼🍼

Umaga na at mas maaaga siyang pumunta dito ngayon! Ito na ang pinaka aga na punta niya dito. Subrang inaantok pa ako na binuksan ang pinto kasi nga katok siya ng katok.

Mga 4 am pa ng dumating siya, ano bang nakain niya't ang aga aga niya dito?? At isa pa ssaturday na hindi niya kailangan na pumunta dito ng subrang aga. oh baka naman pinalayas siya ng asawa niya or girlfriend pala kasi hindi pa sila kasal.

Right. Kailan kaya kasal nila? Titigil naba siya kakapunta dito kapag kinasal na sila?? Hindi naba niya bibisitahin si Cal kapag sakaling mag ka-anak na sila?

Wala sa sariling hiniwa hiwa ko ang mga sibuyas at bawang, at ginisa.

"Huhh?? Tekaa!!" nan-laki ang mata ko nang namalayan na sibuyas at bawang lang pala ang inihanda ko at hindi ko man lang alam kung anong lulutoin ko!

Nag isip ako kung anong lulutoin ko at na amoy ko ang sunog. Na susunog na ang sibuyas at bawang! dali dali ko namang pinatay yung apoy.

Ayan kasi Cyle!!! na distract kana naman, mag focus ka ng.........

Tumingin ako kay Jai na nasa likod kona pala at naka crossed arm. Naiilang akong umiwas ng tingin.

  "Uhmm....." nakakahiya! kanina pa niya ako pinagmasdan kitang kita niya kung gaano ako ka pangit na nataranta kanina at wala sa sarili!

"Patāngā tanga kasi. move." Kalmadong saad niya, umisog naman ako. Kinuha niya ang kawaling na ginamit kong panggisa. At hinugasan.

Nanatili lang ako sa kinatatayoan ko at pinagmasdan siyang nag hiwa ulit ang bawang at sibuyas. Pagkatapos ay humarap siya sa'kin na kinagulat ko.

Nag lakad siya papalapit sa'kin at habang papalapit siya ay kabog ng kabog ng palakas ang dibdib ko at nanlaki pa ang mata ko.

Isang hakbang nalang ay subrang lapit niya na sa'kin. Anong gagawin niya?! Halos ma ubosnan ako ng hininga ng  linampasan niya lang pala ako at binuksan ang fridge na nasa likoran ko. Napahiya na naman ako!! Cyle delusional kanga!!

Napahawak ako sa batok ko at nasa kinatatayoan ko padin. Nakuha na niya ang manok sa fridge at hinugasan iyon. Pinagmasdan ko ang mukha niya.

  "Knife." Saad niya na ang tingin ay  nasa manok na hinugasan niya. Hindi ko na dinig ang sinabi niya kasi focus ako sa mukha niya.

"Hey I said the fucking knife." Kalmado niyang saad pero malamig at tumingin sa'kin.

"Bingi kaba?"  nataranta na naman akong kinuha ang kutsilyo at binigay sa kanya.

"Stop fucking thinking of that bastard. Focus here. Wag kang pa tanga tanga sa harap ko." Saad niya at malakas na hiniwa ang manok. Sa itsura niyang yon ay parang meron siyang sinaksak.

Wala naman akong ibang inisip kundi ikaw! Kaya lutang ako ngayon at subrang hiyang hiya na! Hindi ako nag salita at patuloy lang siyang pinagmasdan na nagluto. Adobong manok ang ni-luto niya. Nagugutom na ako kasi ang bango bango.

Napa tingin siya sa'kin ng tumonog ng malakas ang tyan ko. Ang aga-aga pa at puro nalang kahihiyan ang naipakita ko sa kanya ngayong araw!! Hindi ako tumingin sa kanya at pumunta sa mesa at dun nalang nag hintay na maluto na ang ni luto niya.

Ng ramdam kong malapit ng maluto ay pumasok ako ng kuwarto para gisingin si Cal. Tulog na tulog pa e.

"Cal" lumapit ako kay Cal at hinalik halikan.

"Hmmmm." reklamo niya.

"Wake up, Daddy's here." Pagkasabi ko 'yon ay bumuka na ang mata niya at tumayo.

"Daddy is here?!!" Excited na tanong niya at tumayo, patakbo siyang pumunta ng kitchen.

"Dahan dahan Cal!" Sigaw ko mula dito sa kuwarto at sumonod.

"Daddy!" Sigaw ni Cal pagkalapit kay Jai at nagpa karga.

"Good morning buddy." Bati niya, hinalikan niya sa noo si Cal at umopo.
Inihanda kona yung kanin at adobong ni-luto niya sa mesa.

"Daddy, I'm happy po that you're here!" Masayang saad ni Cal habang lumobo na ang pisngi sa kinain niya.

"Don't talk when your mouth is full son." Nakikinig Lang ako sa usapan nila.

"Hmmp. Daddy is so bossy. aye aye po daddy!" Reklamo ni Cal pero sumonod din naman. Umiwas na naman ako ng tumingin siya sa'kin.

Sumobo ako pero wala palang laman ang spoon ko! At wala na ding kanin ang pinggan ko. Bumuka ang bibig ko ng bigla niyang ni lagyan ng kanin at ulam ang pinggan ko.

  "Eat more." seryosong saad niya at seryoso ding nilagyan ang pinggan ko.
Tumigil siya na parang na realized niya ang ginawa niya at umiwas ng tingin sa'kin.

  "Kasi ang payat payat mona, mas lalo kang pumangīt."

Napayuko ako sa sinabi niya. Okay na sana e. haaay ang bilis kong ma attached. Ang sakit sakit niya talaga mag salita. Hindi naba talaga mag babago pa ang trato niya sa'kin?

"Daddy you're bad!" Sabay kaming napa lingon kay Cal na galit na nakatingin sa kanya.

"W-what?" hindi maka paniwalang tanong niya.

"You called dada pangit! pangit means ugly! My dada is not ugly po!" galit na saad ni Cal sa kanya, napa yawak naman siya sa noo niya.

"I'm sorry son, I will not do that again okay?"

"Hmmp. Don't be sorry to me po daddy, mag sorry kap o to Dada!" Pagsusungit ni Cal at naka pameywang.

"Okay okay."  tumingin siya sa'kin ng matagal.

Alam kong hindi niya kayang mag sorry sa'kin kaya tinalikuran ko nalang sila at nag lakad na sana papuntang kuwarto ng........

"Cyle, I'm sorry."

TBC.

Hiding My Son to His Homophobic FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon