"Mga tol absent daw si maam tara tambay sa sm palamig lang" sabi ko sa kaibigan ko na sila Ben, Henry, Carl, Erick, at Randy
Sabay sabi sa akin ni randy "sus gusto mo lang makita si shainajah kasi alam mong nandoon eh" habang ako naman ay biglang nahiya kasi naririnig ng ibang classmates namin sa room
Pero ang sinabi ko na lang "gusto ko lang magpalamig ha, tsaka bat ko naman gugustuhin na makita yon? Eh hindi nga kami close non o friend sa fb non"
Biglang pahabol naman na sabi ni ben "Akala mo talaga hindi namen siya kilala eh noh, sige tara palamig na sa SM. Kunyari na lang hindi namin alam na gusto mo lang siya makita"
"Tangina lakas ng trip, sabing gusto ko lang magpalamig eh apakagago talaga" pasigaw kong sinabi sa kanila habang tumatawa sila
Dali dali naman kaming pumunta agad ng SM habang nagkekwentuhan ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita ko nga si shainajah at nakita rin nila ito.
Nang makita nila ito ay bigla silang sumigaw at tinawag ito at sinabing "Shainajah, may pag-asa raw ba sa'yo si Hendrix?" Nang sinabi nila iyon ay agad akong lumayo at nagtungo sa cr dahil sa sobrang hiya at agad na umuwi na lang.
Pagkauwi ko ay agad akong nagbihis upang pumunta sa ampon ng aking tita na tinuturing kong tunay na pinsan para tumulong sa kanya na magdeliver ng mga softdrinks.
"Loy tara deliver na para maaga matapos tsaka maaga ako makauwi. May pasok pa kasi ako bukas eh tapos magrereview pa ako kasi may quiz kami" Ang sabi ko sa kanya pagkarating ko sa bahay ng aking tita.
Lagi ko siyang sinasamahan magdeliver kahit na 13hrs kung pagtrabahuhin kami ng aking tita kapag wala akong pasok sa school.
Ang pasahod pa nga sa akin ay 100 pesos, napakaliit dahil napakarami naming binubuhat pero wala naman akong magagawa kasi yun lang din naman alam kong mapagkukuhanan ng pera.
Napakahirap magtrabaho sa tita ko dahil kahit na umuulan at tirik na tirik ang araw at pinagdedeliver pa rin kami nito.
Madalas pa nga ay wala kaming kain ng umaga at tanghali dahil sa pagtatrabaho. Pero kahit na ganun ay kinakaya pa rin namin.
Lumipas ang ilang araw at papalapit na nga ang aming exam, nakita ko ulit si shainajah pero napakatamlay ng kanyang katawan at namamaga ang kanyang mga mata.
Kaya naman agad akong nagtanong sa mga kaibigan ko "erick, pansin mo ba? Ang tahimik ngayon ni shainajah at saka namamaga mata nya. Alam mo ba kung anong nangyare?"
Tanong ko sakanya habang siya naman ay nagulat sa tanong ko at sinabing "hindi ah, hindi nga kami close nyan eh paano ko malalaman"
Kaya naman agad akong tumabi sa kaibigan mismo ni shainajah para magtanong at ang sabi naman ni angel ay "Kaya sya matamlay tsaka namamaga yung mata kasi nagbreak sila ng bf nya, kaya namamaga mata nya kasi kagabi pa yan iyak ng iyak."
Kaya naman dali dali kong nilapitan si shainajah at sinabing "uyyy okay ka lang ba? Ang tamlay mo ah" habang sinasabi ko yan ay pinagtitinginan ako ng mga tropa ko sa room.
Lahat sila ay gulat na gulat nang makita nilang nilapitan ko si shainajah habang si shainajah naman ay hindi umiimik noong tinatanong ko.
Pero hindi ako tumigil, dumaan ang mga araw na tumatabi ako sa kanya upang asar asarin siya at syempre para naman malibang libang siya.
Isang araw nga ay napag-usapan na namin ang dahilan ng paghihiwalay nilang dalawa ng bf nya.
Pero ang sabi ko "okay lang yan, hindi mo deserve ng ganung lalake. Marami pa namang iba dyan, minsan nasa tabi mo lang" pabiro kong sinabi sa kanya.
Hindi nagtagal ay nagiging close na kami, dumating sa punto na nagkayayaan kaming magpunta sa UP DILIMAN para naman makalanghap ng masarap na hangin at makaramdam ng kahit konting katahimikan.
Habang kami nga ay nag-uusap ay hindi namin inaasahan na makikita namin mismo ang happy crush ko sa harap ko kung saan mismo kami nakatambay.
Noong una nga ang akala ko ay kahawig lamang nya ngunit siya pala talaga.
Pagkatapos nun ay dali-dali na rin kaming umuwi dahil malapit ng dumilim.
Lumipas ang ilang araw ay nagpatuloy ang pagiging closeness namin ni shainajah, madalas kaming magkatabi sa room at madalas ko siyang pasandalin sa balikat ko sa tuwing inaantok siya.
Kaya madalas kaming asarin ng mga classmates ko at kapag tinatanong nila kung ano bang meron kami ay hindi ko sila sinasagot.
Hindi nagtagal, nahulog na nga ako ng tuluyan sa kanya at napapaisip ako kung aamin ba ako o hindi. Dahil kakagaling lang niya sa break up.
Nagpatuloy lang ang aming pag-uusap. Madalas kaming magkasama at gumawa ng schoolworks ng sabay.
Lagi rin kaming sabay umuwi at kumain, dumating nga sa punto na binabaunan nya na rin ako ng kakainin ko eh.
Kaya hindi ko lubos maisip ang dahilan kung bakit siya iniwan at niloko ng ex boyfriend nya.
Sinulit ko na lamang na kasama siya, dahil sa totoo lang iba ang saya at comfort na nararamdaman ko kapag kasama ko siya.
Dahil sakanya ay pinagbuti ko pa lalo ang pag-aaral ko.
Ako si Hendrix Villanueva willing maging backburner at rebound basta para sa kanya. Masakit pero ipipilit.

YOU ARE READING
Admiring the moon behind the curtains
Não FicçãoThis story is about a guy who fell in love with his classmate. They became close, but it didn't last long because the girl had many problems. After meeting this girl, his life changes, but hers does not. Despite her many problems, he chooses to help...