Dama'ng dama ni Hannah ang pagkatama niya sa kama at halos hindi na siya makabangon mula sa sahig kung saan siya bumagsak. Dugoan na ang kamay niya kung saan nahugot ang dextrose niya at ramdam niya ang sakit sa magkabilang tagiliran niya. Kahit hinang hina na ito sa sakit na nararamdaman niya pilit padin ni Hannah gumapang palayo. "Hindi ko hiningi ito Anna! Hindi lang ikaw ang nakakaramdam niyan!" sagot ni Hannah pabalik sa kapatid niya. Pero kahit pilit niya ito kausapin balewala nalang sa kanya ang mga salita na lumalabas sa bibig ni Hannah. Bago po mahabol ni Hannah ang hininga niya mula sa pag bagsak niya na tulak ulit siya papunta sa kabilang parteh ng kwarto, pilit siya nilalayo ni Anna sa pintoan at dahil wala pa din makita si Hannah hindi din niya alam kung saan direksyon siya napupunta kada nahahatak siya. Ramdam lang niya at bawat bagsak sa bugbog ng katawan niya at nanghihina na siya. Hindi na halos makagalaw si Hannah sa sakit ng nararamdaman niya at alam niya din kung hindi din makakarating ang nanay niya baka tuloyan na niya hindi kayanin. Nagmadali si Hannah makagapang sa sahig habang nagkakapa makarating lang sa pintoan kaagad kahit halos hindi siya makakita. Pero bago pa siya makalapit nakaramdam siya na meron pumulupot sa leeg niya. Kinapa niya ito at naramdaman na ang dahan dahan humihigpit sa leeg niya ay yung linya ng dextrose niya. Hindi makasigaw o makasalita si Hannah upang makahingi ng tulong. Si Anna na kanina lang nakatayo sa kabilang parteh ng kwarto ay kumaripas papunta sa kanya. Napahawak ito sa leeg ni Hannah at may binubulong na lenggwahe na hindi pamilyar sa kanya. Ramdam ni Hannah na pa igsi na ng pa igsi ang bawat paghinga niya. At sa huling pagkakataon na yon ay naalala niya ang nanay niya na sana kung nasaan man siya ay maalala din siya upang makabalik na ito pero alam ni Hannah na dahil hindi siya makasalita wala na makakarinig ng mga iyak niya. Sunod sunod ang tulo ng luha niya habang dahan dahan na siya nawawalan ng hininga. At bago siya tuloyan mawala tumingin siya ng deretso sa mga mata ni Anna. Blanko ang mga ito at walang kahit konting bahid ng awa o sympatya para sa kanya. Habang nanghihina si Hannah si Anna naman ang lumalakas. Bago pa matapos si Anna sa mga salita na binibitawan niya huminga si Hannah sa pinaka huling pagkakataon bago tuloyan na siya bawian ng buhay. Nakaramdam si Hannah ng mabigat at naging dilim lahat ng paligid niya bago siya namulit ulit sa loob ng kwarto ng ospital. Pero hindi na sa katawan niya kung saan siya nakaramdam ng paulit ulit na sakit pero bilang isang kaluluwa nalang. Nakita ni Hannah ang katawan niya na subsob na sa sahig at dahan dahan na lumuluwag ang linya ng dextrose sa leeg niya. Bigla itong bumangon mula sa sahig at huminga ng malalim bago tumingin sa kanya.
Isang titig palang sa mga mata niya alam na ni Hannah na si Anna na ang nagmamay ari ng katawan niya. Naging tagumpay si Anna sa plano niya. Ngumiti ito sa kanya na para bang inaasar siya. Tumayo si Anna mula sa sahig at pumwesto sa kama at sumigaw upang humingi ng saklolo. Agad agad meron mga pumasok na doktor at nurse na tinulongan siya upang maibalik ang dextrose niya at mapalitan ang damit niya na may bahid ng dugo sa pagka tanggal ng dextrose niya. Ilang sandali lang ay biglang dumating ang nanay niya na dala - dala ang pagkain na dapat pag sasalohin nila ni Hannah. Niyakap nito ang katawan ni Hannah na walang kamalay malay na hindi na si Hannah ang bumabahay sa katawan na yon. Napaiyak si Hannah habang pinapanuod niya si Anna at ang nanay niya. Hindi man lang siya nakapag paalam at hindi man lang sila nag kaayos ng nanay niya bago siya mawala. Ang laki ng pagsisisi niya na hindi man lang niya nasulat ang mga huling sandali na kasama niya ang nanay kundi hindi pa sila nagkasundo at nagkaayos man lang bago siya mawala. Kahit masakit para kay Hannah ang nangyari, napaisip rin siya na baka ito din talaga ang nakalaan sa kanya. Na baka sakali siya ang naging daan upang makabalik si Anna sa nanay niya na matagal ng nangungulila mula ng mamatay siya. Ganon pa man hindi napigilan ni Hannah ang mga luha niya na sunod sunod ang bagsak. Ilang minuto din niya pinagmasdan sila sa kwarto habang dahan dahan nadudurog ang puso niya bago biglang nagkaroon ng liwanag sa hindi kalayoan. Mula dito nakakita siya ng puting anino na tila bang nag aantay sa kanya. Nang makalapit ito namukhaan niya kaagad; ang tatay niya. Ilang taon na nakalipas mula ng namatay ang tatay niya at hindi maiwasan ni Hannah makaramdam ng sabik na makakasama niya muli ito kahit sa ganitong pagkakataon pa. Bumalin ng tingin si Hannah sa nanay niya at kay Anna, at lumapit ito sa nanay niya upang humalik sa pisngi bago siya tuloyan sumunod kay Henry sa liwanag. Nang pawala na ang mag ama biglang napahawak si Anna sa pisngi niya na para bang bigla siya'ng meron naalala at napa tingin siya kay Anna na ngumiti lang sa kanya. Hindi na nalaman ni Lea na ang kasama niya ay si Anna na pala sa katawan ni Hannah. At kung sakali malaman man niya ito kailan pa, o baka sakali sa kabilang buhay pa. WAKAS.
BINABASA MO ANG
MATA
Horror"Ma!! Ma tulong!!" sigaw ni Hannah mula sa kwarto niya. Ang sigaw ni Hannah ang bumasag sa katahimikin ng umuga na yon. Halos madapa na ang nanay niya bago ito makarating sa kwarto niya. Sunod - sunod ang tulo ng luha ni Hannah at nakahawak sa mukha...