Kabanata 10

8 4 0
                                    

Savannah Aurora's

"Oh? Magaling ka na ba? Bakit bumangon ka na?" tanong sa'kin ni Dora pagpasok ko ng kusina.

"Oo. Hindi na naman masyadong masakit ang ulo ko. Kayang-kaya ko nang pumasok sa trabaho ngayon" sagot ko sa kanya sabay upo sa stool. Kaagad naman siyang tumalima at naglapag ng isang baso ng gatas sa harapan ko. Nangingiting nagpasalamat naman ako sa kanya.

"Buti naman. Tawagan mo na si Manay Beth mamaya para hindi na mag-alala sa'yo"

Tumango-tango ako sabay simsim sa gatas na ibinigay niya. "Nasaan nga pala si Maya? Bakit nag-iisa ka ata dito?"

"Ah, kasama ni Don Sofronio. Isinugod kasi nila kaninang madaling araw si Sir Iñaki sa ospital dahil sobrang bumaba daw ang platelets." sagot nito kaya nanlaki ang mga mata ko at napatayo pa ako mula sa kinauupuan ko dahil sa gulat.

"T-tumawag na ba si Maya? Kamusta na daw si Sir Iñaki?" kinakabahang tanong ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Okay naman siya kagabi nung pinuntahan ako sa kwarto ah. Sa pagkakatanda ko pa nga ay hinintay niya pa akong makatulog bago siya umalis ng kwarto ko. Di kaya nabinat siya? Nakonsensya ako bigla.

"Ha? Hindi pa e. -- Hoy! Saan ka pupunta?! Yung gatas mo!" hindi ko na inintindi pa si Dora. Nagmamadaling bumalik ako sa kwarto at saka dumiretso sa banyo para maligo.

Habang naliligo ako ay pilit kong kinokontak si Maya pero hindi niya talaga sinasagot ang phone niya kaya lalo akong kinakabahan. Oo na, aaminin ko, nag-aalala ako. Marami kaya akong kakilalang namatay dahil sa dengue. Ayoko namang mamatay siya ng ganun-ganun na lang.

Pagkatapos kong maligo ay nagmamadaling lumabas na ako ng mansyon. Pumunta ako sa garahe at saka kumuha ng golf cart na maghahatid sa akin hanggang sa gate ng hacienda. Pagkarating ng gate ay saka pa lang ako naghanap ng tricycle na maghahatid sa'kin sa hospital. Sigurado akong doon siya dinala sa St. Vincent Medical Center dahil iyon ang pinakamalapit na ospital dito. Isa pa, co-owner si Don Sofronio doon para daw mas maalagaan niya ang kalusugan ng mga tauhan sa Hacienda. 

After 40 minutes ay nakarating din ako ng ospital. Kaagad na nagtanong ako sa nurse station para mas madali kong mahanap si Sir Iñaki. Nang malaman ko ang room number niya ay wala na akong sinayang pang sandali. Nagmadali na ako sa pagpunta doon.

"Anna? Anong ginagawa mo dito?" takang tanong sa'kin ni Maya nang makasalubong niya ako. "Magaling ka na ba?"

"Si Sir Iñaki? Kamusta na siya?" sa halip na sumagot ay iyon kaagad ang lumabas sa bibig ko kaya naman bumakas ang pagtataka sa mukha ni Maya.

"Stable na siya. Nasalinan na rin ng dugo. Wait, close ba kayo?" nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Buti naman.

Tipid na nginitian ko na lang siya at saka nagpasalamat bago tinalikuran. Naririnig ko pa ang pagtawag niya pero hindi ko na inintindi pa.

Nang makarating ako sa room ni Sir Iñaki ay tatlong beses muna akong kumatok bago buksan. Doon ay naabutan ko si Don Sofronio na nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng dyaryo. Nang makita ako nito ay bumakas ang pagtataka sa mukha nito. "Anong ginagawa mo dito, Anna? Magaling ka na ba?"

Napakamot ako sa ulo ko. Kung naiwasan kong sagutin ang tanong ni Maya kanina, siguradong hindi ako makakaiwas kay Don Sofronio ngayon. "Opo, Don Sofronio. Ahm, kakamustahin ko lang po si Sir Iñaki. Nag-aalala po kasi ako sa kanya"

Napatango-tango siya. "Ganun ba? Okay na naman siya ngayon. Mabuti na lang at may available na dugo ang ospital na match sa blood type niya kaya nasalinan siya kaagad. Pero under observation pa rin ang vital signs niya"

Dahan-dahang lumapit ako sa kama niya. Payapa itong natutulog ngayon. Ang mga rashes niya sa buong katawan ay kitang-kita na rin. Naawa naman ako bigla.

DagitabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon