CHAPTER 25

665 5 0
                                        

Yuri's POV

"Yuri, pakasal na tayo?"

"HUH!? kasal? hindi ka nga nanligaw sa akin at hindi mo pa ako gilfriend noh at paano mo ako papakasalan may Monique ka"

ramdam ko ang paghinga nito ng malalim sabay pulupot sa braso nito sa bewang ko at ipinatong sa balikat ko ang ulo nito.

"Gusto ko na magkaro'n ng anak sa'yo" usal nito na ikinatigil ko

"Gusto mo na ba?" tanong ko pabalik sa kanya

"Gustong-gusto, gusto ko pag galing ako sa work may pamilyang sasalubong sa akin, may asawa na kasabay kung kumain, at may asawang tutulungan ako sa hamon ng buhay at may makulit akong anak na magpapakarga sa akin"

"Peru, my contract pa ako sa LV na bawal akong mabuntis o mag-asawa sa loob ng tatlong taon at isa pa Hendrix, natatakot ako, hindi pa ako ready magkaro'n ng anak o maging asawa. Wala pa akong alam sa mundo, ibig kung sabihin hindi ko pa alam kung paano maging ina at asawa. Gusto ko ganito na muna tayo, gusto ko maging malaya at mag enjoy na muna kasama ang mga friends ko. Ngayon lang kasi ako naging malaya, alam mo naman mahigpit sa akin ang parents ko kaya ngayon ko palang na explore ang mundo. Ngayon lang ako may oras para sa sarili ko at isa pa hindi pa ako handa masira ang shape ko and of course diba pag mabuntis kana may mga scars at possibility na papanget ang shape ko. Hendrix, I'm a model kaya importante talaga sa akin ang shape at ganda ng katawan ko. Gusto ko bago ako magka anak ay ma enjoy ko muna ang sarili ko, gusto ko mag travel around the world and enjoy myself" explain ko sa kanya, masyado akong blind sa pagmamahal ko kay Astin to the point na nakakalimutan ko na sobrang sarap pala maging single.

"I understand, I'm sorry kung minamadali kita. Pwede ba ako maging part ng buhay mo? sabay natin I enjoy ang mundo, walang anak at walang asawa"

"Oo naman, peru paano si Monique?"

"Hi-hindi ko a-alam" malungkot na bigkas nito "hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanya"

KRING KRING KRING KRING

sabay kaming napatalon sa gulat ng tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito at sinagot nang makita si Mommy ang caller

"Saan kana? uuwi na kami"

"Mom, una nalang kayo sa condo nalang ako matutulog"

"Sige mag-ingat ka tawagan mo si daddy if may kailangan ka at isa pa mag-ingat ka talaga hindi kana pabantayan ni daddy mo sa mga bodyguards kasama mo pa ba friends mo?"

"ahhh ehh magagalit ba ka-kayo pa-pag sa-sabihin ko-kong Oo hehheheeheeh pe-peru fr-friends la-lang ta-talaga ka-kami promise"

"ibigay mo nga sa kanya ang phone defensive ka masyado eh" pinindot ko na muna ang loudspeaker bago ko binigay kay Hendrix

"Si Mommy kakausapin ka" mahinang usal ko dahilan upang magulat ito "sige na"

ayon tinanggap naman nito

"uhm he-hello Ti-Tita?"

"may ti-tiwala ako sayo kaya 'wag mong sirain 'wag mong pabayaan anak ko walang bodyguards yan for the first time in the history hindi na pinabantayan ng dad niya" hindi pinabantayan for the first time in the history? ibig sabihin talagang may na nakasunod pa sa akin? hanggang ngayon?

Sexret Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon