Huwag mong isipin na ikaw ay aking binobola,
Nais lamang ipabatid ang paghangang aking nadarama,
Ikaw sana'y mapangiti sa matatamis kong salita,
Wagas nating pagmamahalan dito nawa magsimula.
Wangis mo ay isang pilak na kutsara,
Pagkat parating ka pa lamang ako'y agad nang napapanganga.
Ikaw ba ay isang MAPA oh' aking, sinta?
Sa balang araw, ikaw ang pangarap kong MAPAngasawa.
Tingin ko'y lumalabo na ang aking paningin,
Ngunit tunay na malinaw ang alay ko sa'yong pagtingin.
Halika't damhin mo ang aking paglalambing,
Tiyak kong makikita mong pati asin ay lalanggamin.
Hindi ka naman Kastila, Hapon o Amerikano,
Subalit ikaw ang sumakop sa nananahimik kong puso.
Lupang Hinirang ay aawitin ko para sa'yo,
Upang mabatid mong--buhay ay langit sa piling mo.
Bago wakasan ang aking mga salita't pantig,
Nais kitang masilayan habang tuwang-tuwa sa kilig.
Tanggapin mo na ang handog kong pag-ibig,
Pangakong i-aalay ko sa'yo ang buong daigdig.
BINABASA MO ANG
#Pumapagebeg
PoetryKahit naman ako'y bitter, Hanap ko pa rin ay pagsintang better, Umaasang hindi magiging lifetime na loner Kaya kay God nangungulit na bigyan ako ng forever. -hahahah, oh' siya ruma-rhyming na naman. :D Enjoy reading! :)