chapter 12

6 4 0
                                    


Iniinda nya ngayun ang kanyang katawan dahil sa mga tama nya at sa pag tapon ko sa kanya

"Ahhh." Rinig kong sigaw ni Azrael ng putulin nya ang ulo ng masamang vapira at nakita ko kong paano nya tinapon ang ulo nang kalaban nya

Naalirto ako ng biglang tumakbo ang vampira na kaninang tinapon ko,sinakal nya ako ng mahigpit at hindi na makahinga

"A-azrael." Utal kong tawag sa pangalan nya kaya bumaling ito sa sa akin at galit na sinugod ang bampira na sumasakal sa akin

Sinakal namn ni Azrael ang ang bampira na sumakal sa akin, pansin ko dito na nang hihina na sya  kaya dali akong tumakbo sabay talon sa balikat nya at hinawakan ang kanyang ulo ng dalawang kamay ko

Binitiwan namn ni Azrael ang bampira dahil hawak ko na at isang malakas na sipa ang binigay ni Azrael sa masamang vapira

Tumilapon na ang kanyang ulo sa kong saan at sa wakas tapos na din ang nakipag laban namin pero hindi pa ito ang katapusan

"Hali kana Selene mag pahinga ka muna doon sa tirahan ko." Sambit nya sa akin at binuhat ako saka tumalon papunta sa gubat

"Bitiwan mo ako!, Bitiwan mo ako." Pag pupimiglas ko sa bisig nya dahil sa hawak nya ako

"Pag binitiwan kita ma huhulog ka sa eri." Sambit nya sa akin pero matigas ang ulo ko kaya nag pupimiglas parin ako

Hanggang sa lumapag na sya sa lupa dahil nasa bahay na kami saka pa nya ako binitiwan sa lupa

"Aray! Dahan dahan naman parang hindi gentleman."  Reklamo ko dahil binitiwan ako sa lupa pa ha, napa smirk nalng sya at nag lakad papasok sa tirahan nya

Pero bigla syang napahinto at bumaling sa aking na ka kunot noo "ano ang gentleman Selene?."  Tanong nya sa akin kaya na pa tawa ako ng mahina dahil sa mag explain na naman ako sa kanya

Tumayo ako at pinagpagan ang pwet ko at nag kunwaring hindk na rinig ang tanong nya, nag lakad lang ako na parang walang naririnig

" SELENE!!." Sigaw nya sa pangalan ko kaya huminto ako sa pag lalakad

"May tinatanong ka?." Balik kong tanong sa kanya at malapit na syang magalit

"Ano ang ibig-sabihin ng gentleman?." Muling tanong nya sa akin 

"Hanapin mo sa dictionary Azrael." Sambit ko sa kanya kaya muli na mang kumunot ang noo nya

"Ano namn ang dictionary?." Tanong nya sa akin kaya tuluyan namn akong tumawa, grabe walang alam na bampirang to


the vampire obsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon