Prologue

4 0 0
                                    


Growing up, I have always believed in the existence of aliens. Who wouldn't? Well, some people don't.  Why don't they believe that aliens exist? There are thousands of planets in the universe. It's impossible for us to be the only civilization.

"Reese," a familiar voice called.

Tinignan ko kung sino ito. "Elias?"

Elias is my childhood best friend. Simula nung natuto akong maglakad, siya na 'yung palagi kong kalaro. Well, that's what nanay says. Matalik din na magkaibigan ang nanay ko at nanay niya kaya ganun.

"Nagmumuni ka na naman." Tumawa siya at nilapag ang mangkok na puno ng mani sa tabi ko.

"Parang 'di mo naman ako kilala," pagkatwiran ko.

Gabi-gabi kasi akong nandito. Ewan ko ba, I feel peace whenever I'm looking at our family's rice field. It is so wide. Sa sa papa ng papa ng papa ng papa ni papa ko pa ito. Basta great-great-something chuchu.

"Balita ko, aalis ka na." Pagpuputol niya sa katahimikan. Tumango lamang ako. I don't know what to reply. "Mabuti 'yon, makakalayo ka na dito." Humalakhak siya.

Hindi ako nagsalita. Wala kasi akong maisip na sasabihin. Ayaw ko ring maging awkward.

Gustong gustong gusto ko nang umalis sa bayan na ito. It's so, what do you call it? Suffocating? Nakakainis mga tao dito, walang tiwala sa kakayahan mo.

One time, sinabihan ko si Elias ko na gusto ko maging astronaut kaso narining 'yun ni Aling Myrna kaya tinawanan ako. 

"Astronaut?" Humagikhik siya. "Kababata mo pa, eh nababaliw ka na. Hoy, Teresita, h'wag ka nang mangarap. Magiging taga-alaga ka lang ng mga anak mo." Tawa niya sabay sipsip sa hawak niyang sigarilyo.

"Tumahimik ka nga, tabachoy! Hindi naman ikaw ang kausap ko." Sumigaw ako sa inis. Ayaw na ayaw kong magkaanak, no! It's the last thing I'd do.

Nakita ko naman na namula ang mukha niya sa galit. Inirapan ko lang siya.

Ayun, sinumbong niya pala ako sa nanay ko kaya nung umuwi ako sinalubong agad ako ng  walis ting-ting. Tangek! Parang akong nilatigo! Huhu!

"Ano 'yung sinabi sa 'kin ni Myrna ha? Tinawag mo raw siyang tabachoy!? At sinagot sagot mo?!" Galit niyang sabi habang pinapalo ako. "Hoy, Therese, hindi kita tinuruan ng ganyan ha!"

Umiyak ako sa sakit. "Naay! Tama na, po! Ang sakit na!" Sigaw ko.

Tumigil naman si nanay sa pagpalo sa 'kin, kaso pinaluhod niya ako sa asin para raw matuto ako at di na ulit gagawin 'yon.

Ni hindi nga niya pinakinggan ang side ko! Hmp!

"Nakakainis din 'yung si Myrna, eh." Tawa ni Elias nang pinaalala ko siya.

"Bitter lang 'yun." Tumawa ako. Ni recall namin lahat ng nakakainis na ginawa ni Aling Myrna at tinawanan iyon.

"Ano na plano mo pagkatapos?" Tanong niya.

"Ano pa, eh 'di magpayaman."

I want to be rich. I want to be rich on my own. On my own hard work. I don't wanna marry rich. That will only prove all of them na wala talaga akong kakayahan kundi maging mabuting asawa at ina. I don't want that.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

idunnoWhere stories live. Discover now