ESMERALDA POV
It's been two days since the incident happened, and no one has confronted me about it. Iniiwasan ko silang lahat at tanging si Lucas lang ang pinapapasok ko sa kwarto ko. Ilang beses na din nagtangka si Israh para kausapin ako, pero hindi ko siya pinagbubuksan ng pinto. Masakit pa din ang ginawa niya sa'kin sa harap ng pamilya niya. Kahit naiintindihan ko na nag-aalala lang ito sa anak niya na duguan ng mga panahon na 'yon, hindi ko pa din maiwasan na magalit sa kan'ya.
At dalawang araw na din ang pananakit ng tummy ko. Alam kong hinahanap na ng anak ko ang amoy ni Israh tuwing gabi, pero dahil masama ang loob ko sa ama niya, tinitiis ko ang sakit. Pero mukhang hindi na talaga kaya ng sarili ko ang tiisin siya. Kaya napagpasyahan kong sabihin na sa kan'ya ang katotohanan. Hawak ko sa kamay ko ang ibidensya na magpapatunay na nagsisinungaling si Seraphine.
Tama na ang dalawang araw na nag paapi ako sa bruha na 'yon. Mas mahalaga sa'kin ang sanggol na nasa sinapupunan ko at alam kong nakakasama sa'kin ang ginagawa kong pagtitiis na 'to. Nasa headquarters ngayon si Israh, kaya doon ako didiretso ngayon. Mabilis akong naglalakad sa kahabaan ng hallway ng masalubong ko ang kalalabas lang ni Seraphine tulak-tulak ang stroller nito.
Gusto kong pilasin ang ngisi niya sa labi habang nakatitig sa'kin. Sige lang, magsaya kana hanggat nandito ka pa. Kung hindi lang ako buntis baka ibinalibag na kita. Ang laki ng epekto sa'kin ng pagbubuntis ko. Imbis na makapag-isip ako ng tama, humahadlang ang matinding emosyon ko. Kaya sa halip na makipag-usap sa kanila, mas pinipili kong magkulong at mapag-isa.
"Hi, there. How was my surprise?" Seraphine asked.
"Wala ako sa mood na patulan ka ngayon kaya pwede bang pakibulsa muna 'yang ugali mo?" I said dismissively.
Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng mapahinto ako sa sinabi nito. Mukhang sinusubok talaga ako ng kampon ni satanas ngayon.
"Hindi ko ba nasabi sayo na kinakausap na ako ni Israh ngayon? And oh, he even carried our son this morning. Wait, is that jealousy on your face?" Seraphine continued on mocking me.
"Selos? Hindi uso sa'kin 'yan. Ang uso sa'kin mangkulam." Pabalang kong sabi sa kan'ya.
I saw how she smirked and eyed me from head to toe. "Bagay sa'yo, 'cause you look like a witch with that white hair of yours."
"Ano naman? Natural beauty 'tong akin kumpara diyan sa mukha mong retokada." Naiinis kong sagot sa kan'ya.
Maka-alis na nga at naha-high blood na naman ako sa pagmumukha ni Seraphine. Baka mastress lang ang anak ko sa sinapupunan ko. Lalagpasan ko na sana ito ng magsalita na naman si gaga.
"Mag-sorry, ka! You rude, uneducated, fat bitch!" Tili ni Seraphine.
Mukhang napikon ko ata, totoo naman, retokada ang mukha niya. Tabingi pa ang ilong. I saw her one time without make-up, and I'm telling you she looks old for her age.
"Bakit naman ako magso-sorry sa'yo eh tinubos na ni Hesus kasalanan ko?" I said impatiently.
When the silence between us became too long, I added. "Tsaka huwag ka ngang magmalaki sa harapan ko. Nakikita mo ba 'tong hawak ko?"
I showed her the USB I'm holding. She just raised her eyebrow, clueless about what's inside it.
"Nakalagay sa loob nito ang krimeng ginawa mo sa kawawa mong anak. I thought you're smart enough to know that this palace had many surveillance cameras lurking around, making your little crime exposed," I explained.
She was taken a back and eyes wide open at what she heard from me. Napakuyom ang mga kamao nito at biglang naging masama ang tingin sa'kin.
"Give me that," Seraphine said quietly.

BINABASA MO ANG
Secret Of Esmeralda (Secret #2)
ActionHighest Rankings: #1 Blood #2 thewattys #2 Hottie #4 killings #8 action-thriller #10 guns Warning: Mature Content (R-18) Read at your own risk. Esmeralda Bekham lives a normal life like everyone else. She has a complete and loving family that she a...