Wala sa wisyo kong inayos ang tent na tutulugan ko ngayong gabi. Naplano ko na rin ito, na dito na magpalipas ng gabi lalo na't mahigit apat na oras ang byahe mula dito pabalik sa amin. For sure, hindi naman ako hahanapin sa'min after this event, I know my father is burying himself with the paper works.
My papa is an astronomer. He is working at DOST as research scientist and nakatoka siya sa isang observatory sa Quezon City. That's why hindi 'yon siya uuwi for almost a month dahil may mga research papers siyang gagawin. I was actually planning to stay here for the whole month dahil mag-isa na naman ako sa bahay. Nakapagpaalam naman din ako and he supports me naman sa hobby ko. I will be staying here at night and baba lang to get goods sa bayan. May mga kamag-anak din naman ako malapit dito na puwedeng mapuntahan.
They know na nandito ako para, in case of emergency, they know where to find me. Hindi naman din siya malayo sa main road. 'Yon nga lang medyo masukal na itong area. Kailangan mo na siyang lakarin from the highway papasok dito.
I suddenly remember the first time I went here to check the area. I was doubtful at first kasi ang nakita ko pang picture sa Google Map ay hindi pa abandonado ang building. May mga tao pa nga. When I first went here, ito na ang nadatnan ko. It's a four-storey building. Medyo malaki rin. Chineck ko na rin ang paligid kung may mga wild animals ba sa area. Wala naman. May malapit din na ilog, mga isang kilometro mula sa abandoned buiding.
I didn't search about this place. Ang alam ko lang na magandang lugar ito to stay for my comet gazing. Kay Manong sa may labasan ko lang nalaman na dating school pala ito. Tulad ng sabi niya, nagkaroon nga ng sunog dito. When I saw the burnt marks sa bawat rooms and hallway, naniwala na rin ako. Mababakas mo pa ang bawat sunog sa mga kisame pero this time puro ivies na ang makikita mo and other wild grass that I barely know the names of.
I actually love ruins and things that are abandoned. Ewan, nai-imagine ko kasi kung gaano siya kaganda before. How lively this place was. Kung gaano kasaya ang mga tao na gumamit nito before. Saan na kaya sila?
Nilibot ko pa ang lugar, may basketball court din, swimming pool, gymnasium, and music room. Nakarating rin ako sa parang darkroom sa may third floor ng building and may nakita ako roong lumang DSLR. Nagulat pa nga ako kasi parang hindi siya sira and napatungan lang ng mga alikabok. I tried to turn it on pero hindi na siya nago-on. It's either sira or battery drained lang. Binalik ko na lang.
The room was actually fully intact. Parang hindi ata nadamay sa sunog. Walang burnt mark sa loob at may mga pictures pa na nakasabit. May mga photography materials pa rin. Sinubukan kong tingnan ang mga photos na nakasabit pero they seem to be faded by time. There are figures and shapes I can see pero the faces are already blurred with white and green marks. I didn't touch anything and umalis na rin kasi that place seems not safe anymore. Hindi na rin maganda ang amoy. May mga rooms na rin na hindi na talaga puwedeng mapasok at sira-sira na kaya laking bahala ko kanina nang mag-lindol.
After the comet passed by, biglang lumindol. Hindi naman gaano katagal at kalakas. My phone vibrated and nag-notify na it's magnitude 4.3. Wala naman sigurong bumitak na bahagi ng building and sabi nga nila na hindi basta-basta nasisira ang mga abandoned building ng lindol dahil unoccupied na. Pinatay ko na rin ang radyo ko kasi kanina pa siya na puro static na lang.
Since I was too focused on my running thoughts, I didn't notice him beside me.
"Tulungan na kita?" Tanong niya ng makita akong nakatulala lang.
Nilingon ko siya at hindi pa rin nagre-register sa utak ko na may kasama akong tao tonight.
"Mukhang buhol-buhol na ata 'yang tent poles, e," dagdag niya ng hindi ako sumagot. "Hindi ka naman siguro nagga-gantsilyo."
BINABASA MO ANG
He Whom I See on Syzygy
RomanceMiko is a certified astrophile. He loves everything that has to do with celestial events. One fateful night, he met a mysterious boy on the rooftop of an abandoned building after gazing at the syzygy. On a universe-conspiring night, two lives intert...