8

3 0 0
                                    

SNSA 08

SI CHINO AT ANG MGA PROFESSIONAL BASKETBALL PLAYER

“Lopez scores another three pointer!” announcement ang sportscaster. Nagsigawan ang paligid.

Mula sa VIP seats ay pinagmasdan ni Chino ang player na kaka-shoot lang. Moreno ito, Pilipinong-Pilipino ang kulay nito. Matangkad ito at malaki ang bulto ng katawan. Maigsi ang buhok nito. Pawisan ito at nakasuot ng kulay green na jersey ng koponan nito.

“Wow! That was a nice move! Molano steals the balls from Lopez!”

Napatitig naman si Chino sa nakanakaw ng bola. Katamtaman lang ang kulay nito, medyo persian ang features ng mukha. Magkasing tangkad ito at si Lopez. Semi-kalbo naman ito. May suot itong head band. Kulay red naman ang suot nitong jersey.

Si Vince Lopez and Alvin Molano, mga professional basketball player na naglalaro sa pinakamalaki at pinakasikat na liga sa Pilipinas. Kahit noong nasa Romblon pa lang si Chino ay kilala na niya ang dalawang ito. Mahilig din siya mag-basketball, pero hanggang barangay lang ang ligang nasasalihan niya. MArami siyang idolong mga basketball players, at kasama na si Lopez at Molano doon.

Marahil ay nasa late twenties na ang dalawa. Mga rookie of the year ang mga ito noong panahon na pumasok sila sa liga. Marami ring endorsements ang dalawa sa iba’t-ibang sports related na products.

Heartthrob din ang mga ito. Tinitilaan ng mga babae at kinukuyog ng mga fans. Kahit may asawa na si Lopez at engaged naman si Molano, pinipilahan pa rin ang mga ito ng mga kababaihan.

Paano ba namang hindi? Parehong guwapo, matangkad at makisig ang dalawang lalaki. Naglalaro pa ng basketball. Sobrang barako kung umasta.

Kaya naman kinakabahan si Chino sa kanyang assignment ngayon.

——————————————————————————

“Mr. Lopez,” bati ni Chino nang lumabas ng dressing room ang manlalaro, “ako po si Chino Estacio.”

Napamuglat ito at napatingin sa kanya. Ngumiti ito nang maaliwalas, “wow. Ikaw na pala si Chino! Guwapings ka pala, ah.” Nakabihis na ang lalaki ng shirt at pantalon.

Naramdaman niyang namula siya, “naku, Sir Lopez, kayo nga po idol ko, eh. Kahit noon pa sobrang elibs na ‘ko sa inyo.”

“Haha, tapos na laro. Huwag mo na ‘ko tawagin sa surname. Vince na lang.”

“Sorry, ah. Vince. Si… Sir Molano po?”

“Nandito ako,” anang mababang boses sa likod niya.

Napalingon si Chino at nakitang nandoon na si Molano sa likuran niya. Naka varsity jacket ito at walking shorts. Parehong may nakasukbit na sports bag ang dalawa.

“Tagal mo naman maligo, Alvin,” pabirong reklamo ni Vince.

“May madramang sermon pa si coach, eh,” ani Alvin, “ikaw naman. Sinulot mo na nga ‘yung game one sa’kin, pinopormahan mo na agad ‘tong kaibigan natin.”

“Hindi naman, nagpapakilala pa lang ako. Tsaka na ‘yung pormahan. Siyempre ‘pag gano’n, magkasama tayo."

Napalukso ang puso ni Chino sa kung paano siya pag-usapan ng dalawa.

Napatango si Alvin, “halika na!”

Tapos ay tumungo sila palabas ng astrodome patungo sa parking lot. Hindi makapaniwala si Chino na seserbisyuhan niya ang dalawang maton na cager na mga ito.

Bago makarating sa paroroonan ay mga mga babaeng humarang sa kanila upang makipagpapicture sa mga sports star. Nagpaunlak naman ang mga manlalaro at nagpakuha naman ang mga ito sa kanya.

SNSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon