Nakakita ka na ba ng mga PWD? o Person's with Disability? Sila yong mga taong kailangan ng espesyal na pag-unawa at pag-gabay.
They were the people who is born with a different form, different minds and different situations from this society we live in.
Karamihan sa kanila pinanganak na may ganoong tadhana at ang iba naman ay tumanda lang at nagkaroon ng ganoong klaseng tadhana.
Bawat tao ay may kinakaharap na problema..pero iba ang pakiramdam ng naiiba. Iba ang pakiramdam ng may kapansanan.
Sa iba ay katawa-tawa ang bagay na iyon. Sa iba ay kamalasan at sa iba ay isang biyaya..ngunit kahit sila na tanggap ang ganoon ay nakakaramdam din ng awa at lungkot.
Alam mo ba kung anong mas nakakatawa?.
Iyong mga taong kaunting hirap lang ay sumusuko na. Ngunit ang mga taong naiiba kahit gustuhin pa nila, hindi pa sila nakatakdang mawala.
Sa bawat araw na binuhay ako ay maswerte na ako, kung itutulad sa iba na higit pang nakakaawa sa sitwasyon na meron ako.
Sa tuwing nakakakita ako ng higit na nakakaawa kesa sa sitwasyon ko ay hindi ko maiwasan na sabihin sa sariling maswerte parin ako.
Ang mga tulad namin ay tinuturing na swerte.
Pero sa akin...kamalasan ang mabuhay ng naiiba.
Noong bata ako, ilang taon akong hindi nakalakad. Gumagamit ako ng mga tsinelas at isinusuot iyon hindi sa paa kundi sa tuhod ko. Gusto kong makipaglaro. Hindi ko alam ang hirap na dinanas ng pamilya ko nung mga panahon na iyon pero kung iisipin ko..ako mismo ang naaawa sa sarili ko.
Kausap ko ang kaibigan kong si Jess. Nasa dagat kami ngayon at tumatambay.
Sabi nila, ang kapansanan ko daw ay dahil sa kung anong pinaglihi nila sa akin. Iyon ay ang maliliit na statwa na anghel. Sa ganoon ako ipinaglihi. Isang anghel.
Lumaki ako sa isang malaking pamilya. Sampu kaming magkakapatid. Noong bata ako ay nag-abroad ang papa ko dahil madami kami at kailangan ng mas malaking pera pero umuwi rin pagkatapos ng ilang taon.
You can just call me Angel. Hindi ko totoong pangalan, 20 years old currently a college student.
Oo, college na ako. Ang galing ko diba? Ganon ako kabilib sa sarili ko.
May mga naiinggit sa amin dahil iba ang trato sa amin kumpara sa kanila. We have some advantages pero alam mo?
Marami kaming disadvantages.
Kami ang mas naiinggit sa inyo. You we're born normally. Walang kapansanan at may kakayahang gawin ang iba't ibang bagay...na iba sa amin. Hindi namin yon kayang gawin o kung kaya man namin may limitasyon iyon.
Ang iba sa amin ay pinanganak na hirap sa buhay, ang iba ay may kaya at ang iba ay mayaman
Tahimik na nakikinig sa akin si Jess. Habang ako ay nakatingin lang sa payapang dagat.
Alam mo kung bakit kakaiba at espesyal ang mga PWD?
Kasi may mga kakayahan silang hindi kayang gawin ng iba. May iba't iba silang talento.
May kanya-kanyang kwento.
May kanya-kanyang hirap sa buhay na dala-dala nila hanggang sa huling hininga nila.
Nakakatakot.
Nakakatakot mabuhay sa mundong ito.
Ang mga espesyal na tulad ko na may kakayahang makapag-isip ng tama ay natatakot.
YOU ARE READING
IMPAIRMENTS
Non-FictionONE SHOT STORY. THIS IS A STORY ABOUT A FRIEND OF MINE. I HOPE YOU GUYS READ AND UNDERSTAND ALL THE LINES THAT IS WRITTEN HERE. I HOPE YOU ALSO GET THE LESSON THAT IS IN THE STORY. HINDI KO NA GINAWANG MASYADONG MADRAMA AND REVISED SOME PARTS ABOUT...