Chapter 1: Tahanan na parang hindi tahanan

17 2 0
                                    

Lovia's Pov;

Nandito ako sa church ngayon and I'm practicing my voice for the mass kasi kasali ako sa Choir. Hindi naman kagandahan ang boses ko para sakin pero pinupuri palagi ito ng mga nakakarinig. Nag prapractice lang kami ng biglang dumating ang Tito ko, si Father Vossimo.

Tama kayo ng hinala, isa siyang pari. May tatlo akong Tito na nag pursue na mag Pari isa na dun si Father Vossimo.

"Hello po Father" bati ng mga kasama ko SA choir. At sinalubong naman sila ng ngiti ng Tito ko.

"Pasensya na kayo at naabala ko pa ang pag iinsayo niyo. Tatawagin ko lang sanglit si Lovia" sambit naman ni Tito habang nakatingin kay Ate Jomarie na nagtuturo samin. Na ani bay humihingi ng permiso na kukunin niya muna ako sanglit.

"Ah, sige po Father Vossimo. Bumalik ka nalang Lovia pagkatapos, okay?" sabi naman ni ate Jomarie ng may ngiti. Tumango lang ako at umalis na Kami ni Tito.

As usual na lugar, nandito kami sa likod ng simbahan, kung saan nililibing ang mga patay nag usap. Dito walang makakarinig samin, Wala ding pinapapasok dito kung hindi kamag - anak ng namatay.

"Babalik na ang Tito Matthew at Tito Sebastian mo mamayang gabi" sambit naman ni Tito pag puputol sa katahimikan.

"Anong oras po ba Tito?"

" Alas 8 ng gabi, umayos ka at alam mo na kung papaano si Matthew mag obserba sa tao"

"Opo, sige po Tito. Uuwi nalang po ako mamaya ng maaga"

Pag katapos kung sambitin yun ay tumalikod lang siya at umalis. Hay iba talaga pag old generation, pwede naman niyang itext sakin o sabihin online. Hay naku si Tito talaga.

Umalis na siya kaya bumalik na ako sa pinag prapraktisan namin ng kanta. 

Pag katapos mass ay lumapit sakin si Tiara, kaibigan ko mula high school.  Umattend din kasi siya ng mass, nakita ko na siya kanina pa pag pasok niya sa simbahan, hindi ko nalang pinansin kasi abalang - abala ako.

"Lovyyy koo, birthday ko ngayon diba? Alam mo naman diba? Hindi mo naman nakalimutan? Wag ka mawawala sa bahay mamaya. Ikaw lang ang best friend ko alam mo yan" pamimilit niya sakin  habang kapit na kapit sa braso ko. 

Pero sa totoo lang, nakalimutan kong birthday niya pala ngayon pero hindi ko nalang pinahalata.

"Oo naman, at pwede ba hindi na makadaloy yung dugo ko sa kamay sa subrang kapit mo" sambit ko ng pasarkastiko.

"Basta wag ka mawawala mamaya! Susunduin kita dito. Kikidnapin talaga kita sige ka"  sambit niya at umalis na, nagpakuripas ng takbo.

At pinagbantaan pa talaga ako, ang babae na 'to talaga.

Pag dating ko sa bahay nina Tiara. Na starstruck na naman ako sa laki ng bahay nila kahit ilang ulit na akong pabalik - balik dito. Hindi lang starstruck, nahihiya pa ako hanggang ngayon. Buti nalang at bumaba agad si Tiara, subrang awkward talaga Kung saan ako uupo or pupunta.

As usual na Tiara kapit na kapit nanaman siya sa braso ko, at subrang daming sinasabi.

"Asan regalo ko?" tanong niya sakin out of the blue. Pag katapos ng madaming madaming topic na sinabi niya.

"Ah, ano kasi"  sabi ko naman sabay kamot sa ulo.

"Kimiiiii, kimi lang bhie! Ano kaba joke lang! sapat na sakin nanandito ka hehe"  sambit niya sabay paupo sakin.

"At dahil birthday ko! Charaannnn! Mag iinoman tayooo!! chug chug chug"  sayaw pa siya ng sayaw.

" Pero Tiara, ano kasi--"

The God between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon