Chapter 1

5 0 0
                                    


“Kaiya, crush ka daw ni Yuno,” nagulat ako sa sinabi nang kaklase namin,

“Hoy! ‘wag niyo ngang inaabala si Kaiya” sabat naman agad ni Yuno sa kanila,

Ano ba ang problema nang mga ‘to? At pati si Yuno ay dinadamay pa.

Sa buong klase namin, kilala ako bilang isa sa tahimik at subsob sa pag-aaral.

“Kaiya, tara canteen!” sigaw nang isa sa kaibigan ko, si Akemi. Inayos ko ang mga libro at notebook ko bago tumayo, nahagip nang mga mata ko ang tingin ni Yuno sakin,

Baka naman imagination ko lang ‘yun, hindi ‘yun titingin sakin,

“Kaiya, hindi ka ba iimik diyan? Kanina ka pa tahimik, may iniisip ka ba?” tanong ni Akemi sakin, habang naglalakad kami papunta sa canteen,

“Kung ang iniisip mo ay ‘yung test mamaya kay Mrs. Salvacion, sisiw lang naman sayo ‘yun e” dagdag pa niya sakin,

“Hindi naman ‘yun ang iniisip ko, Akemi” bahagya naman ata siyang nagulat nang umimik ako,

“Iimik ka din pala, akala ko wala akong kausap dito” pabirong saad niya,

“Si Yuno, Akemi,”

Agad naman siyang tumigil sa paglalakad at humarap siya sakin,

“Anong meron kay Mr. Extrovert?” tanong niya sakin, bigla na lang siyang ngumiti sakin

“Huwag na nga, Akemi. Lolokohin mo lang ako tungkol doon” sagot ko sa kaniya at hinila niya ako pabalik,

“Saan tayo pupunta? Akala ko sa canteen ang punta natin?” natatarantang tanong ko sa kaniya,

Pero hinila niya ako pabalik sa room namin, dapat hindi ko na talaga nabanggit sa kaniya.

“Nasaan si Yuno?” tanong niya sa mga kaklase namin, hindi niya pa din inaalis ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ng kamay ko,

“Si Yuno daw!”

“Hoy! Nasaan?”

“Sumagot kayo!”

“Yuno?!”

Halo-halong sigawan ang naririnig ko galing sa mga kaklase ko, kilala kasi si Akemi bilang mataray, pala-away, at minsan ay siya pa ang dahilan ng gulo.

“Ayun! Si Yuno!” sigaw ng isa sa kaklase namin habang tinuturo si Yuno na nakatulog pala sa mesa niya,

Hinila niya ulit ako papalapit sa kinauupuan ni Yuno, halos pagtinginan na kami dito ng mga kaklase ko,

“May nangyari ba?”

“Bakit hinihila niya si Kaiya?”

“Idadamay pa ata ni Akemi si Kaiya sa gulo e”

“Tumawag na kaya tayo ng teacher”

Mga bulungan na naririnig ko sa mga kaklase ko, pag ito talaga naging gulo,

“Gisingin niyo” utos ni Akemi sa mga katabi ni Yuno para gisingin ito,

“Yuno! Yuno!”

“Hoy, gumising ka diyan” halos nagmamaka-awa na sila magising lang si Yuno,

Hinigit ni Akemi ang isang upuan at nilagay sa tapat ni Yuno,

“Upo,” utos ni Akemi sakin, tiningnan ko siya at sinenyasan niya lang ako na sumunod, ano ba naman problema nito?

Umupo ako at kita ko ang pagkibo ni Yuno, hindi naman ‘to tulog e, niloloko lang kayo nito.

Napatawa na lang ako habang nasa harap ako ni Yuno kahit nakayuko pa rin siya,

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hidden Love (Ongoing)Where stories live. Discover now