Chapter 1: The Day I Saw You

9 0 0
                                    

Zack's POV

Ang buhay ko ay normal lang kung tatawagin ng iba. Di naman ako mayaman, di rin mahirap, Kumbaga sakto lang. Agree din naman ako dun, at binigyan ako ni God ng pinaka-mapagmahal at mapag-alagang pamilya. Sa totoo lang wala na akong mahihiling pa.

My life isn't perfect but i like how things aren't perfect.

But something happened that changes everything...

Naglalakad nako pauwi galing school, first day as a senior high ko pala, so medyo excited din akong pumuntang school. Di naman gaanong malayo yung bahay namin mula school kaya mas pinili ko nalang na maglakad. At tsaka kakatapos ko lang lumamon ng napakadaming pagkain gawa ng ni-libre ako ni Brent. (Kababata/Classmate). Malapit na din kasi birthday ko kaya naisipan nyang ilibre ako, syempre di ako tatangi sa libre noh! Mas sumasarap yung pagkain pag-

✨✨ LIBRE ✨✨

So yun... Napadami kain namin. Kaya eto ako ngayon naglalakad tinatanggal tong umbok sa tiyan. May pupuntahan pa daw si brent kaya di na sya nakasabahay sa'kin pauwi. Habang naglalakad ay naisipan ko munang umupo sa bench malapit sa lake. Maaga pa naman kaya tatambay muna ako dun. Ngayon ko lang na realize na napakaganda ng lake na'to. Tahimik at peaceful yung vibes, may mga tao parin naman dito kahit sasapit na ang gabi. Sana ganito nalang lagi.

Habang nakaupo at tumitingin-tingin sa kung saan ay may umupo sa bench na inuupuan ko, wala naman akong pake kung may umupo dun, sadyang mas komportable lang ako pag mag-isa. Nilingon ko kung sino yung nakaupo sa kabilang dulo ng bench. babae, maganda, kaso medyo masungit, nakakunot yung mukha eh. Badtrip yata. Pansin ko din na parehas kami ng uniform, well syempre di literal na parehas pero ganon kasi yung suot na uniform ng mga babae sa campus namin. Di ko nalang sya pinansin at tumingin nalang ulit sa lake kung saan may mga patong lumalangoy. Habang masayang pinagmasmasdan ang mga pato ay biglang tumunog yung cellphone ko, si Aliza. My little sister. Ano na naman kayang gusto neto!? -_-

"Hm. Hello!?" Sagot ko.

"Wow galit agad?" Sabi nya.

"What do you want?" Tanong ko sakanya.

"Well... Sabi ni Mama bumili ka daw ng Groceries at saka-"

"Okay" sabay patay ng call, magrerequest na naman yun na bilhan sya ng milktea dun sa napakamahal at overrated na milktea-han. Naaalala ko parin yung time na naubos yung 1 month allowance ko dahil lang sa milktea nya last year. Never again!! >:(

Pagkatapos ng call ay isinuot ko na yung bag ko at aktong tatayo na mula sa bench ng biglang nagsalita yung babae.

"Zack Fernandez?" sabi nung babae. Paano nya nalaman name ko? Ganon na ba ako ka sikat? #angpogiko.

"H-ha?"

"Name mo yun diba?"

"O-oo, pero paano mo nalaman yun? Tsaka buong pangalan ko pa talaga" Tanong ko. Stalker ko ba to??

Tumingin sya sakin at tinuro yung ID na nasabalikat ko na pala.

"A-ahh haha, okay... Hahaha" sabi ko habang inaayos yung ID ko. Ang weird at awkward naman neto >_<

Bat ang awkward ng conversation na'to... :!

Di na'ko nagsalita pa at lalakad na sana papalayo nang bigla syang humarang sa dinadaanan ko. This is starting to creep me out.

"Uhm... W-what do you want miss?" Tanong ko habang gulat na nakatingin sa mukha nya.

Di sya nagsalita, tiningnan nya lang ako at dahan-dahang lumalapit sakin, napaatras naman ako dahil dun. Matapos ang ilang hakbang paatras ay bigla akong natisod ng bench at napaupo doon. Papalapit parin sakin yung babae.

Someone i Admire Where stories live. Discover now