Chapter 40: Sixth Phenomenon

28 17 7
                                    

Third Person's POV

"Norn, I will be honest. I really wish to reach that level of comfort where your presence feels like second nature. I want to cherish those moments that will eventually become part of my everyday routine." Ang dalawa ay kapwa nakahiga sa gitna ng tore at nakatingin sa langit. Ang mga bituin ay kumikislap sa itaas, nagbibigay ng liwanag sa kanilang mukha.

"I am your vice captain so that's natural." Tugon naman ni Norn.

"That's not what I mean. You can be taken away by anyone. You have my heart but, you are not mine," sabi ng binata habang bahagyang namumula ang mga pisngi, ngunit mababakas rin ang lungkot sa tinig. Ang hina ng hangin ay nagdala ng malamig na simoy.

"Ikaw itong maaaring makuha mula sa 'kin...." mahinang bulong ni Norn na nakaabot sa tainga ni Eos ngunit hindi nito gaanong naunawaan ang mga salita.

"Paki-ulit?" tanong pa ni Eos, na may halong pag-aalala at pagtataka sa sinabi ni Norn.

"It's nothing. Just talking to myself." Tanging sagot na lamang ni Norn bago umupo na ipinagtaka naman ni Eos pero ginawa niya rin. Malinaw na malinaw sa paningin niya ang mga mata ni Norn na punong puno ng sekreto.

Napuno ng tawanan at ilang sigawan mula sa mga nagsasaya ang buong banqueting hall.Habang ang musika ay pumupuno sa hangin, ang buong Sirius ay lumabas sa dance floor kasama ang kanilang mga kasayaw.

Nalani, with poise and elegance, twirled gracefully with Zeno. She's wiggling her eyebrows playfully and Zeno's laughing with her. Syria's spirited and lively as ever, danced energetically with Koa, who felt so awkward at the moment, but still tried to copy his friends movements. Their movements a blend of contrasting energies that harmonized beautifully.

Cole danced so carefree and took the hand of Cosima, who danced like a puppet but her partner doesn't looked bothered. Their dance was a mix of laughter and intrigue, with Cole's infectious joy bringing a rare smile to Cosima's melancholic face.

Sa paglipas ng mga sandali, dumating sina Zantania at Gisheia na siyang sumali sa kanilang sayaw. Nabuo ang grupo at nagsaya ng magkakasama sa entablado.

Under the soft glow of the chandeliers, the Sirius knights danced without care of the world around them. They just wanted to feel the moment of freedom from those challenges they had faces.

Sa sandaling iyon, sa gitna ng tawanan at kasiyahan, hindi lamang nila natagpuan ang pakikisama kundi isang pinagsamang kapalaran na magdadala sa kanila sa mga hamon na nag-aabang sa kanilang kinabukasan. Isa ang mga iyon sa layunin kung bakit sila nagkatagpu-tagpo. Kung bakit napili nila ang isat-isa.

Hindi rin naman nagtagal ay dumating rin si Eos at Norn. Hindi sumayaw ang dalawa dahil mas pinili nila ang kumain na lamang. Sinaluhan naman kaagad sila ng kanilang mga kaibigan.

Malapit nang lumipas ang gabi ng kasiyahan. Nagsisimula na ring mas masigla at magulo ang iba habang ang ilan naman ay tila mga kapwa ubos na ang lakas.

Naka-upo na lamang sina Eos, Norn, Zeno, Cosima, Nalani, Zantania, Gisheia, at Koa. Si Syria at Cole lamang ang nasa kuhanan ng mga pagkain. Mukhang sinusulit ng dalawa ang masasarap na pagkain wala sa cafeteria.

Subalit ang mga masasayang sandali ay kaagad na naglaho. Umingay ang paligid dahil sa pagyanig. Nakaramdam din ang grupo nina Eos ng kakaibang enerhiya. Puno ng nakamamatay na intensyon.

"They're outside." Wika ni Norn na nakatayo at tila ay di natitinag. Nakatingin ito sa labas ng bintana.

Kaagad siyang tumakbo palabas hawaka ng kaniyang suot upang hindi ito maapakan. Nagulat naman duon sina Eos pero agad itong tumayo at sumunod kay Norn. Ganun na rin ang ginawa ng iba nilang mga kaibigan.

The Eternity's Lie 1: Knight's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon