8

8 1 0
                                    

❤️Precious

1 year na rin ang nakalipas. Eto ako, nagmomove on pa rin.

 Eto ako, nagmomove on pa rin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kailangan kong tiisin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Kailangan kong tiisin. Kasi alam ko kung hanggang saan lang dapat ako. Iniwasan ko na rin siya, respeto na rin kay Brigiding, sa bestfriend ko. Viñas and Min helped me to cope up. I tried dating, it helped for a while. Pero ewan ko ba I still wish that person is Tracy. Kaya it never worked.

Basta alam ko lang na ok siya at inaalagaan siya ni Brigs, ok na ako. Masaya na ako for them.

Min, Viñas and I are preparing for my Birthday Show nung nag video call si Brigs.

"Happy birthday bes!!!" Bungad niya.

"Thanks bes!! I miss you!!" Sabi ko.

"Miss na namin kayo ni Tracy!! Alagaan mo yan diyan ah!" Biglang sumilip si Minty sa camera

"Oo nga! Kailan ba kayo uuwi??" Nakigulo din si Viñas

"Eto na nga, bumili na ako ng tickets namin!!! Pero di niya pa alam. isusurprise ko sa kanya." Sabi ni Brigs. Tiningnan ako ni Min at Viñas na bumalik na sa mga upuan nila.

"Eh di masaya!!" Sabi ko.

"Kailan ba yan?" Sabi ni Min

"Next month!!! Waaah!! Excited na ako!!"

"Waaah!! Ako din! Makukimpleto na ulit tayo!" Si OA na Viñas.

"Dapat lang kumpleto tayo kasi may favor ako sainyo!!" Excited na sabi ni Brigs

"Ano yun?" Tanong ko.

"I'm gonna propose na pag uwi namin. Gusto ko diyan mag propose para kumpleto tayo at family namin. Tulungan nyo ako ah!!" Sabi ni Brigs.

Ilang segundo din kaming natigilan na tatlo. Walang nag react. Pero parang may nakabarang kung ano sa lalamunan ko.

"Oo naman bes." Sagot ko.

Bigla lumapit si Min at inagaw sa akin ang phone at nilayo ang camera sa akin.

"Oh sige na Brigs, saka na natin pag usapan ang mga detalye. Maingay dito." Sabi ni Min.

"Oo nga Brigs, ingat lagi! Hugs kay Tracy ah!" Dagdag naman ni Viñas.

"Sige! Pauwi na rin ako. Ingat at enjoy!! Happy Birthday ulit Bes!!" Pagpaalam ni Brigs

"Thank you Bes!"

Ano daw? Tama ba? Magpopropose na siya?

Bigla akong niyakap ni Viñas.

"Happy birthdayyy nga naman!" Sabi niya.

Lumapit din si Min sa akin at niyakap ako.

💚Min

Precious is so wasted. Give na namin ni Viñas sa kanya. Birthday niya naman at kailangan niya din para kahit sandali makalimot.

Isang taon na pala ang nakalipas, akalain mo yun? Pero bakas pa rin sa mga mata ni P ang lungkot. At heto nga at nag relapse na naman siya.

"Vi, I'm worried." Bulong ko kay Viñas.

"Ako din, Sis! Next month agad? At may pasabog pa si Brigs. Paano 'to?" Alalang alalang sagot ni Viñas

"Ewan ko nga. Tingnan mo engga na. Buti at itinulog na lang. hindi na gaya ng mga nakaraan."

"Oo nga! Buti hindi na tulad ng last time na konti na lang talaga ibubuhos ko na sa kanya yung bucket ng yelo. AHaha!!"

"Napikon ka talaga nun no? Ahaha!"

"Oo sis! Ang kulit na kasi. Pero syempre, mahal ko yan at iniintindi ko na lang. Tagal naman nito makamove on. Kala mo talaga naging sila! Ahahha! Echos!"

"Ahahaha!! BALIW! Hays. Masaya ako na uuwi sila, pero ewan ko ah. Naaawa na ako kay P."

"Ako din. Hayss. Jowain mo na lang kasi."

"Basta ba jowain mo rin si Brigs para ang ending si Tracy ang walang lovelife!!! AHAHAHA!! Pero ewww no! Di ko type si P. Sobrang mabait."

"Kung sabagay, mga badboy ang trip mo. Ahaha!"

Inabot na kami ng closing ng bar, saka namin ginising si P.

"Sorry guys." Sabi niya ng mahimasmasan.

"Tara na uwi na tayo." Aya ni Viñas.

PalagiWhere stories live. Discover now