The Ruler
Tuluyan akong pumasok sa loob ng kwarto dahil sa kaba. Isang matangkad at matipunong lalaki ang dumaan sa tabi ko. Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman. Nahihiya ako dahil sa mga pinanggagawa ko.
"Who are you? At bakit napadpad ka rito?" Tanong nung nakasalamin na lalaki. Parang may bumara sa aking lalamunan dahil hindi ako makapagsalita. Mukha rin akong tupa na pinalilibutan ng mga mababangis na hayop.
"You just trespassed in our den.." Tumawa naman ang isang lalaki na may halong panunuya.
Napatingin ako kay Emilia. Blangko lang din itong nakatingin sa akin. Hindi ko alam kong ano ang iniisip niya.
"A scholar? Where did you get the audacity, huh?" Naalala ko na rin siya. She's Emerie. Magkasama sila ni Emily noon. "How dare you not answer me? You bi--" Napatigil ang babae ng marinig namin ang kalabog sa likod.
"I don't want you to cuss in my room, Emerie.." Malalim ang boses nito na nagbibigay kilabot sa akin, hindi pala, kundi sa aming lahat. "How can I help you?" Hindi man ito nakatingin sa akin ay alam kong ako ang tinutukoy niya.
Umurong ang dila ko. Mas lalong hindi makapagsalita. These people, their presence just literally gave me an anxiety attack.
"May inutos ako sa kaniya.." Sa wakas at nagsalita na rin si Emilia. Pero bakit niya sinabing may-utos siya sa akin. Sasagipin niya ba ako sa katangahan ko? "You're right, Emerie, I know her... very well." At kahit blanko ang kaniyang mga mata ay nagawa pa rin niyang ngumisi.
Tumayo ito sa sofa at lumapit sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa bago ako sumunod sa kaniya. Tahimik namin nilakbay ang daan at hindi ko alam kong saan kami papunta. Nagulat nalang ako nang huminto kami sa gitna ng field.
"Yenera Serene Barclays," she spat my name. Ang bilis niya naman malaman ang buong pangalan ko. Hindi ako sumagot kaya sarkastiko itong tumawa. "You don't know how stupid you are when you enter that room... They are the predators in this world, Yenera Serene."
I shrugged my shoulder off. "You did not include yourself, Emilia," Lumapit ako sa kaniya. "The prey might be lost but she is fully aware of her surroundings. Also, I already told you, the prey has the same goal as the predator: to aim and survive.." Tumalikod na ako at aalis na sana pero may pahabol itong paalala sa akin.
"Consider yourself lucky today, because your face was already marked by their minds." Naramdaman kong lumakas ang hangin. Pagkatingin ko sa likod ay mabilis na naglaho si Emilia sa paningin ko.
Air? It must be her element.
***
"Ano ka mo?" Hindi pa rin mawala ang gulat sa mukha ni Wiwi nang sabihin ko sa kanila ang nangyari sa akin kanina.
Kahit si Pia ay grabe rin ang reaksyon. "So, you're telling us na na-prank ka ng senior natin at napunta ka sa lugar ng mga prinsesa at prinsipe?"
Tumango ako rito. "Yeah, I know that it was embarrassing..." Totoo naman kasing nakakahiya. Buti nalang ay nandoon si Emilia.
"Speaking of them, ayun na sila!" Bulong sa amin ni Wiwi. Nasa cafeteria kasi kami ngayon at kumain ng lunch. Buti nga at libre dito dahil naiwan ko sa dorm 'yong allowance ko na ibinigay ni Lolo sa akin.
Pagkatingin ko sa entrada ng Cafeteria ay nakita namin silang pumasok. Parang mga modelo ito kong maglakad kong kaya pinagtitinginan ito ng mga tao sa loob ng cafeteria. Kaya nga lang ay hindi ko nakita si Emilia at 'yong lalaking kanina na sobrang misteryoso.
BINABASA MO ANG
Golden Dust of Tomorrow
FantasyTOMORROW SERIES #1 Will her rage bring her down? or will it be her strength to bring the golden dust of tomorrow?