GABI

2 0 0
                                    

Kinatatakutan kitang sumapit
Isipan ko'y 'di mapakali
Salimbayang pag-iisip ang s'yang naghahari
'Di mapigilan, nangungulit,  naglalakbay na isapan puno ng suliranin

Nakahimlay na lahat pero diwa ko'y gising
Nais makatulog, balintataw ay gising
Kay bigat sa pakiramdam, gustong may karamay
Walang mahagilap sapagkat tulog lahat

Ipinikit ang mga mata
Lumalim na ang paghinga, tahimik at payapa
Ngunit bakit mahirap huminga?
pakiramdam may sumakal?
Nakapanghihina, mulat ang mata,
puro kadiliman s'yang nakikita

Gustuhing umiyak, subalit luha'y ayaw dumamay
Ang hirap mong makamtan
ilang oras pa bago sumikat ang araw para tanglawan ang dilim ng gabing aking kinatatakutan.





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 24 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

story of my lifeWhere stories live. Discover now