Untold Start

109 3 1
                                    

Isang Kakaibang Klase, 24 na mga estudyante.

Isa ako diyan, Isa akong estudyante sa Hell Class.

Hindi ko ito maiiwasan, palagi kasi ako nakikipagaway kaya ayun diyan ako nabagsak.

Ako nga pala si Aisha Mae Valdez. Isang Typical na War Freak, at may kambal akong B*tch na si Aira Rae Valdez.

I HATE HER AS HELL

Hindi ko siya gusto kahit kambal ko pa siya, kahit ganun ko siya hindi ka gusto feeling close naman siya sa akin. Dikit ng dikit palagi, parang glue lang. COPY CAT rin siya, kung ano ang akin yan rin ang sa kaniya. Sabi niya Idol niya raw ako, kaya kung ano ang akin gusto niya rin. Ano to loko-lokohan?

Kaya I HATE HER! Palagi na lang siya.

Siya na lang ang mas maganda, mas matalino at MAS sa lahat na bagay. Siya na lang palagi, kaya wala na natira sa akin. Kambal kaya kami pero bakit mas malamang pa siya sa akin? Pareho naman ang mukha namin pero Bakit? Siya na nga ang gumagaya sa akin siya pa ang mas malamang sa lahat ng bagay.

Hindi ko naman gusto maging mas magaling o mas maganda, pero parati na lang sa kanya ang atensyon. Parang Anino niya na lang ako.

"Aisha!Bilisan mo na diyan!Sabay na tayo pumunta sa School!" Tsk! Sasabay? Sa kanya?

Si Aira lang naman ang tumawag sa akin. Plastik niya talaga! Alam ko nagkukunwari lang siyang mabait sa akin para makita ni Mommy at Daddy na siya ang MABAIT sa amin. Well Fine! Siya na! Wala na akong pakialam.

Paano siya naging Mabait? Oo nga! Paano?! Nasa Hell Class rin siya kaya paano?! Hindi nga naniwala noong una sina Mommy at Daddy na linagay rin siya sa Hell Class. Inaway pa nga ni Mommy ang Teacher namin dahil wala naman ginawa ng masama raw si Aira. Tsk! Feel lang nila na wala siyang ginawa eh anong magagawa natin Favorite na anak eh.

Hindi ko nga alam kung bakit nila tinawag ang section namin na 'Hell Class'. Exag naman sila! Parang normal naman ang mga tao don eh este I mean mga classmate ko. Pwede naman Delinquent Class o Special Class. Parang ganyan, pero Hell? Demonyo na ba talaga kami?! Grabe na talaga manghusga ang mga tao ngayon.

"Ate Aisha! Bumaba ka na diyan sa kwarto mo! Baka malate pa tayo mamaya sa meeting para sa Section Natin" Meeting? Ngayon ko lang narinig yun ah. Meron kaya mag-aatend don? Noong Isang taon parang wala namang Meeting Meeting na yan.

"May meeting pa ba talaga? Kailangan pa ba ako diyan? Pwede ikaw na lang? Sabihin mo na lang na hindi pa ako gumaling sa aking mga sugat." sinabihan ko siya. Kung a-attend lang naman ako sigurado ako boring lang naman ang pagusapan don. At isa pa wala akong balak samahan siya.

"Eh Aisha! Attendance is a must! Baka ako naman mapagalitan ni Ma'am mamaya. Sige na Ate Aisha, sama ka na sa akin." Psh. Edi pagalitan ka. Wala naman ako pakialam sa'yo.

"Aisha! Samahan mo na ang kapatid mo. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya don." sabi ng magaling kong ina. Wow ha! E kung ako walang mangyayari?

"Tsk! Kaya na yan Ma!"

"Aisha Mae Valdez!"

"Tsk! Oo na ma! Sasamahan ko na!" Anubayan! Nakakabadtrip! Si mama talaga! Walang magawa favorite child, kaya over protective.

Nag-ligo na lang ako at nag-bihis na ng damit ko. Isang normal na white t-shirt at maong pants lang ang sinuot ko with matching red na converse at maliit na jansports na bag.

"Aisha! Tapos ka na ba?" Tsk.

"Tapos na. Hintayin mo na lang ako diyan sa labas." Nagmamadali akong bumaba sa hagdaan at lumabas sa bahay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hell ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon