Part 8

99 9 0
                                    

Rod's Pov 

 "Melissa" saad ni Zen at lumapit dito 

 "Nakahalata ka kaya ka umalis diba?" Tanong ni Zen 

 "H-ha? Nakahalata po saan?" Kinakabahang sagot nito 

 "Sinabi na ni Ma'am Gina saamin" saad ni Imee 

 "Nikay, Nikay ikaw yung Anak namin" naiiyak na saad ni Imee 

 "H-Hindi Baka po nagkakamali kayo" saad nya 

 "Anak Ito rin ang dapat kaming sabihin sayo ng dad mo, after sana ng Field trip nyo pero ito nga nalaman na rin nila" saad ni Zen habang si Nikay naman ay naguguluhan 

 "H-Hindi, Ma'am napulot ko Lang po yang necklace" saad nya 

 "Anak suot mo yan noong nakita ka namin" saad ni Zen 

 "A-ayaw ko" saad nito kaya lumapit si Imee sa kanya at sumunod naman kami ni Jules 

 "Anak" saad nito at hahawakan na sana ng lumayo si Nikay 

 "Melissa anong napag usapan natin about dito?" Zen asked kaya napatingin si Nikay sa kanya 

 "Tanggapin mo sila dahil sila ang magulang mo" saad nito 

 "Kayo ang magulang ko" saad nito na ikinadurog ng puso ko at lalong lalo na kay Imee kaya agad akong lumapit ay hinawakan ito 

 "Melissa huwag kang ganyan, may nasasaktan kang Tao" saad ni Jules 

 "G-go, kunin nyo na sya" saad ni Zen habang inaabot saamin si Nikay pero pumapalag ito 

 "Melissa please Anak sumama kana sa kanila" saad ni Zen habang si Nikay ay umiiyak na maging si Imee 

 "Ayaw ko" saad nya saka niyakap si Zen 

 "Don't be so hard headed na Anak please, nasasaktan ako pero alam kong mas nasasaktan sila sa pinapakita mong ugali. Anak napagusapan na natin ang ito" Saad ni Zen 

 "Anak isipin mo yung 14 years nilang pangungulila sayo, Anak isipin mo yung sakit na pinagdaanan nila sa loob ng 14 years na yun" dagdag nito 

 "Melissa give them a chance" saad ni Zen 

 "If they really want to find me then bakit umabot pa ng 14 years?" Nikay asked 

 "Anak kasi mahirap, ang dami na naming batang pina DNA sa loob ng 14 years na yun" saad ni Imee 

 "Anak hindi naging madali ang pag hahanap namin sayo, umabot na kami sa ibang bansa kakahanap sayo" dagdag ni Imee 

 "Melissa masyadong private ang information mo kaya maging sila hindi ka nila mahanap, we did that to protect you lalo na at alam mong marami kaming kalaban sa business" saad ni Jules 

 "Akala kasi namin inabanduna kana kaya Hindi kami mag dalawang isip na iprivate ang Information mo" saad ni Zen 

 "Anak, Anak ko please sumama kana saamin" saad ni Imee 

 "No, no ayoko. Mommy ayaw ko" saad nya 

 "Shhh Nikay, it's ok. Zen I think babalik nalang kami dito nabigla pa ang bata Sa mga pangyayari" saad ko 

 "W-what? R-Rod no hindi ako aalis dito hangga't di ko kasama ang Anak ko" saad ni Imee habang nakatingin saakin 

 "Hon babalik tayo bukas, hayaan mo munang Iprocess nya lahat lahat" saad ko pero umiling sya 

 "I've waited for 14 long years just to find our daughter Rod, Hindi ako papayag na aalis tayo na Hindi sya kasama" saad ni Imee 

 "Hon please! Do something" saad nya kaya niyakap ko sya 

Her DaughterWhere stories live. Discover now