I closed my eyes as the wind touches my face, it's been years, Batangas. The place where I truly belong. Ang lugar kung saan ako nag simula pero hindi ko natapos.
Napabuntong hininga ako bago inilibot ang tingin. Wala pa rin talagang pinag bago, napaka ganda pa rin ng tanawin dito, napaka payapa at sariwa ang hangin. Kung hindi lang siguro nangyari yun ay hindi ako aalis dito. Napailing nalang ako sa sarili dahil nagsisimula ko nanamang isipin yun kahit hindi naman talaga dapat.
“Adalyn, anak!” napalingon at napangiti ako bigla nang marinig ang boses ng aking ina habang masayang tumatakbo patungo sa akin
“Ma...” banggit ko at humakbang palapit sa kanya
“Naku ang anak ko, mabuti at ligtas kang nakarating dito” niyakap nya ako ng mahigpit na masaya ko namang ginantihan
“Sobrang na miss kita ma” anas ko habang yakap-yakap pa rin ang ina
“Ako rin anak ko, ang laki ng pinag bago mo” Sabi nya nang kumalas sya sa yakap ko, napangiti na lamang ako
“Nasaan siya?”
“Nasa bahay at hinihintay kana.” sagot naman ni mama at iginiya na ako patungo sa bahay kung nasaan ang matagal ko ng gustong-gustong mahagkan at makita .
“Moma ko! Moma ko!” isang maliit na boses ang sumalubong sa akin nang makapasok sa bahay, nag tatatakbo ito patungo sa akin. Lumuhod ako para madali nya akong mayakap, pinilupot nito ang kanyang munting mga braso sa aking leeg at isinubsob ang mukha sa aking leeg.
Nangilid ang aking luha habang mahigpit itong niyakap pabalik. “Baby ko...” tuloyan nang tumulo ang aking luha
“M-moma, y-you're here na po. H-hindi na po ikaw aalis?” Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi nya
“Hindi na anak, hindi na aalis si moma. Mag sasama na tayo.” sagot ko sa kanya, kumalas naman siya sa kanyang yakap at hinarap ako, umiiyak din. Kinusot nito ang mga matang lumuloha kaya ako na mismo ang nag punas.
“Wag mo na po ako iwan ulit moma ha?” Sabi nito ulit
Ngitian ko naman ito “Hindi na, anak.” Paninigurado ko.
Natagalan rin ang pagku-kwentohan naming dalawa ng mapag pasyahan kong mamasyal muna saglit sa labas, sobrang na miss ko ang lugar na ito. Nag palit lang ako ng isang long skirt na white at tube top na itim, ang dala rin ako ng claw clip kasi hindi ako makakaalis kung wala ito.
Habang nag lalakad sa tabi ng napaka linaw na dagat ay may napansin akong isang tao na naka upo sa gilid ng bato habang tumutogtog ng gitara. Pamilyar ang pigura nya, hindi ko lang masigurado kung siya nga talaga ang taong nasa isip ko kaya lumapit pa ako ng bahagya.
Napahinto ako kaagad nang marinig musikang kanyang tinutogtog.
Hindi maaari...
Tatalikod na sana ako upang umalis nang bigla siyang nag salita na siyang ikinabilis ng pintig ng puso ko at ikatulos ko sa aking kinatatayuan.
“Ady?” Malalim na boses na anas nya
Tumingin ako sa kanyang mga mata sa kabila nang nadaramang kakaiba.
“Elios...” mahinang banggit ko rin sa pangalan nya
“You're back” tila hindi makapaniwalang sambit nya
“Dito ako nakatira malamang ay babalik ako” padarag na sabat ko
Napabuntong hininga naman siya “Can I talk to you?”
“No, I'm sorry.” Pag kasabi nun ay tumalikod ako sa kanya agad at mabilis na nag lakad paalis, muntik pa akong madapa dahil sa sobrang kaba.
Napahawak ako sa aking dibdib dahil hindi ito matigil sa pag pintig. Sa dinami-raming lugar bakit dito ko pa talaga siya nakita ulit? Sa lugar kung nasaan naroroon ang anak ko...
...ang anak namin
YOU ARE READING
After All
RomanceSa murang edad pa pa lamang ay nasanay nang mag isa si Adalyn sa kadahilanang nasa ibang bansa ang kanyang ina at nag nata-trabaho. Hindi naging madali sa kanya ang lahat lalo na at wala siyang masasandigan sa mga oras na kailangan niya. Hanggang sa...