Simula

2 0 0
                                    

Mula sa pangalawang palapag ng maliit naming restaurant ay pinagmasdan ko ang mga taong naglalakad sa kalsada. Patungo sila sa iba't ibang direksyon. Kaliwa at kanan. Ang iba ay lumiliko sa kaliwa bago tahakin ang kanan. Ang iba ay tumatawid sa kabilang parte. Ang iba ay nagpapatuloy at ang iba ay humihinto.

Ngunit kahit ano pa man ang maging bilis o bagal nila sa paglalakad, alam kong makakarating din sila sa kanilang paroroonan.

Na ang mga taong ito ay may iba't ibang patutunguhan. Iba't ibang rutang tatahakin. Iba't ibang kalsada o lugar na maari silang manatili o umalis din kalaunan. Maaari ring maligaw o dumaan lamang.

Huling sulyap sa mga dumadaan at tinapos ko na ang niluluto.

As usual kapag weekends nandito ako sa restaurant namin para tumulong. Wala rin naman akong gagawin sa bahay kaya rito na lang.

"One cheeseburger with fries." Nilagay ko na sa countertop ang niluto at pinindot ang counter bell, hudyat sa waitress na tapos na ang order at maaari niya ng ihain.

"Rie, dyan na 'yong "best friend" mo." Pang-aasar ni Ate Manet, kababalik niya lang at inabot sa akin ang papel kung saan nakasulat ang panibagong order na lulutuin ko.

"Ate Manet, friend ko lang po 'yon talaga." Sagot ko sa kaniya at hinanda na ang ingredients ng lulutuin.

"O sige sabi mo, friend." Umalis na siya at kumindat pa sa akin.

Umiling-iling na lang ako at nag focus na sa niluluto.

Kaibigan. Magkaibigan lang naman talaga kami diba? Nagpahiwatig siya ng nararamdaman niya sa akin hindi lang sa salita kundi pati sa gawa. Umamin siya na gusto niya ako. Walang paligoy-ligoy. Nagpaalam din siya sa magulang ko na liligawan niya ako. Pero hindi pa ako pumapayag.

Maraming nagkakagusto sa kaniya sa school. Heartthrob kumbaga, marami ring mas maganda kaysa sa akin. Pero hindi ko rin ikakaila na mayroon din akong pagkagusto sa kaniya. Sabi nga nila "ano pang hahanapin mo kay Raf? Mabait, matalino, gwapo, responsible, at may direksyon ang buhay!"

And they are right. I don't have to look for another because what will I look for? He's perfect. He made me feel the love that I never thought I will need.

Only child lang ako nina Mommy and Daddy and I never feel any hole sa pagmamahal na binigay nila sa akin. I feel complete. I was contented. Pero si Raf, may panibago siyang pagmamahal na ipinaramdam at ipinakilala sa akin.

His love is something I can always lean on. His love is something I can always hold onto. His love is something I can talk about all day. His love is a feeling that makes me smile and gives me hope. His love is comfort in a cold, dark, and scary night. His love is made for my heart to always remember. His love is a map that will always guide me home.

Ang pagmamahal niya ay hindi basta dumaang pakiramdam lang. Nagpakilala ito, tinahak ang bawat direksyon ng puso ko at narating ang patutunguhan, kung saan lagi itong manananatili.

"Hala, Rie, sunog na 'yong patty!"

At ayon, pinaalis na ako sa kusina. Ako naman daw ang mag cashier for today. Kaunti na lang naman din ang mga costumer at lahat iyon ay naghihintay na lang na i-serve ang kanilang mga order.

Ang patty na nasunog ko ay patty ng burger ni Rafael kaya inulit na lang ni Ate Manet.

"Hi po, miss na kita mo ba 'yong payong ko?"

"Hi po..."

Umupo na kami ni Rafael, natatawa sa batiang nangyari.

"Kumusta ang training?" Tanong ko habang kinakain ang french fries. Sa kaniya naman ay hamburger.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Passer By Where stories live. Discover now