Chapter 2

5 1 0
                                    

"Surprised?"

Napaayos ako ng tayo at bahagyang tumagilid ang ulo. Napaismid ako sa sinabi niya at tiningnan siya ng diretso sa mata.

"Hindi naman masyado. Nadisappoint ba kita?" asar kong sabi dito.

Napailing siya at tinuro ang upuan na nasa harap niya.

"Have a seat."

Napapikit ako sa inis at walang nagawa kundi umupo na lang sa harap niya.

"Sabihin mo na ang proposal mo. Madami pa akong gagawin," malamig kong tugon dito.

Ngumiti siya at lumapit pa sa akin.

"Ganoon mo ba ka ayaw makita ang mukha ko at gustong-gusto mo ng umalis?" pang-aasar pa niya sa akin.

Ngumiti ako ng plastic bago bahagyang lumayo sa kanya.

"Mabuti naman at alam mo," sabay layo sa kanya.

Napairap siya at lumayo rin sa akin.

"Well then, let's talk about the proposal," sabi nito at hinarap ang laptop.

"Make sure na magugustuhan ko 'yan para hindi naman sayang 'yong pagpunta ko dito,"tiyaka ngumiti ako ng malapad.

Napatingin siya sa akin at biglang natigilan.

"Ang ganda pa rin ng ngiti mo," biglang bulalas nito.

Ako naman ang natigilan at biglang hindi makagalaw dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko rin na biglang uminit ang mga pisngi ko kaya agad akong napaiwas sa kanya.

"Umayos ka nga at sabihin mo na lang ang proposal mo!" galit kong sabi dito.

Nagulat naman siya sa lakas ng boses ko kaya napaayos ito ng upo.

"I'll be investing $1M in your company," he said.

Hindi agad ako nakasagot sa kanya at tiningnan siya ng mabuti.

Hindi kami bankrupt para mag-invest siya ng ganito kalaking pera.

"Madami na kaming investors kaya hindi kami kukulangin sa budget. In short, salamat na lang," sabi ko.

Nakita kong hindi siya makapaniwala sa sinabi ko at agad ring nagkibit-balikat.

"Well, kung mag-bago ang isip mo, just knock that door," sabay tingin sa may pinto.

Tumayo na ako. "Kung 'yon lang ang sasabihin mo, aalis na ako."

Hindi ko na hinintay na magsalita  pa siya at umalis na agad pabalik sa kabilang building.

***

"What?!!tinanggihan mo po?" hindi makapaniwala sabi ni Kevin ng makabalik ako sa office.

"Coz why not?" sabi ko habang sinisipsip ang frappe na hindi ko naubos kanina.

"Madam, malaking halaga 'yon at malaki ang itutulong non sa company natin," rinig kong sabi niya sa akin.

"Marami tayong investors na pwedeng tumulong sa atin."

Napahinga siya nang malalim kaya tiningnan ko siya.

"Hindi siya kailangan dito dahil isa lang siyang damo na sisira sa gusaling itinayo ko," hindi ko napigilang sabihin.

"Parang may pinaghuhugutan, Madam, ah."

Napairap ako at tiningnan siya tyaka pinandilatan.

"Bumalik ka na sa trabaho mo," pagpapalayas ko sa kanya.

Napabusangot ito at lumabas ng office.

Napasandal ako at napahinga nang malalim bago muling nagtrabaho habang sip-sip parin ang frappe na hawak ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 24 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Starting Over AgainWhere stories live. Discover now