1-Prologue

7 0 0
                                    

This is a work of fiction.

Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons living or dead, events, or locales is entirely coincidental.

Expect typo's, grammatically error, spelling, etc.

All Rights Reserved.

Nag mamadali akong tumakbo hanggang sa makarating ako ng hospital. Malakas ang ulan sa labas, basang basa na ako pero hinayaan ko nalang.

"Nurse a-asan yung mama ko?" nangingiyak kong tanong sa nurse pag ka pasok ko ng hospital.

"Last name po ng pasyente?" balik tanong saakin ng nurse. Humarap siya sa computer at doon nag tipa.

"Bartolome po..." nangangatal na ang buong katawan ko. Wala pa akong kain ng dalawang araw, kumakapit nalang ako sa tubig nawasa dahil wala na akong pambili ng pag kain.

"Check ko lang po ma'am ha-" pinag titinginan ako ng mga nurse at doctor na napapa daan saakin.

Sino ba namang hindi mapapa tingin, basang basa, puro putik, magulo ang buhok, mukhang wala sa katinuan, mukhang tanga. Naiintindihan ko sila kaya hinahayaan ko nalang.

"Ah ma'am, Room 304 p-" hindi ko na siya pinatapos ng sasabihin. Tumakbo na ako kaagad papunta sa kwarto niya.

Malapit na ako ng may mabangga akong isang lalaki. Naka formal attire siya at bakas sa kutis, katawan, at mukha niya na siya ay mayaman.

Hindi ko na nagawang humingi ng paumanhin, nag madali na ako sa pag takbo.

Kung alam ko lang...

Kung alam ko lang na ito ang bubungad saakin pag ka bukas ko ng pintuang ito... Sana hindi ko nalang ginawa.

"Time of death 7:34 pm."

Hindi. Mali lang ako ng dinig, hindi pa siya patay. Hindi pa siya..

"I'm so.. sorry for your lost Amanda." ani ng doktor saka ako nilagpasan at umalis ng tuluyan.

"Ma...mama?" hindi pa man din ako nakaka lapit sakanya ay bumuhos na ang mga luha ko.

Hindi, hindi pwede!! Lumapit ako kay mama at paulit ulit siyang niyugyog at pilit na pinapa gising sa mahimbing niyang pag ka tulog.

"Ma. Ma, gising. Ma hindi pwede ma. May pangako pa tayo ma diba?.. Mama naman, eh!"

Ang daya daya mo naman ma, eh. Kausap lang kita kagabi. Nangako pa tayo diba.. nangako tayo na hindi na natin pahihirapan ang sarili natin sa isa't isa.

Ma, hindi pa pwede. Konti nalang, eh. Makaka graduate na ko ma. Mag hahanap kaagad ako ng trabaho kahit dalawa o tatlo pa yan. Makaka kain na tayo dalawang beses sa isang araw.

Bakit ngayon pa ma...kailangan kita ma, eh. Ngayon kita kailangang kailangan mama. Hindi ko na alam pano ko ilalaban yung sarili ko. Patuloy at patuloy akong bumabagsak kasi hindi ko na kaya, ikaw nalang ang makakapag pagaling sakin ma.

Sa gabing 'to, iniwan na ako ni mama. Hindi na siya bumalik sa'kin.

Sandali akong pumunta ng simbahan sa loob ng hospital. Nandon lang ako, umiiyak. Wala akong ibang ginawa kung hindi umiyak ng umiyak. Pag kapasok ko, bumagsak nalang ako. Atsaka ko hinayaan ang sarili ko umiyak sakanya. Ni hindi ko alam kung may ibang tao ba dito. Basta nandon lang ako, naka luhod sa lapag, umiiyak, at ang tanging nasa isip ko lang ay si mama.

Tumingin ako sakanya, gusto kong kwestyunin kung bakit. Pero, alam kong mali. Gusto ko siyang sigawan, ibuntong lahat ng hinanakit ko, pero hindi ko magawa. Hinayaan ko ang pagod at wasak kong sarili na mamahinga sakanya. Hindi niya ako kinakausap, umiiyak lang ako, walang pumipigil sakin.

Accepting fate after mother dies Where stories live. Discover now