(Ariah's POV)
Walang hiya ka talaga Jaden! At binabaan pa ako! At ano yung sinasabi nyang meet with the family? Bahala sya sa buhay nya.
Di ko pa nga matanggap na naging first boyfriend ko sya tapos meet the family agad?
And worse is nandoon ang my labs ko!! T^T Paano na ang lovestory namin?
Tinawagan ko si Jaden. Makalipas ng tatlong ring ay sinagot narin nya ito.
" Hoy Jaden! Bahala ka sa buhay mo pero ayokong makipagkita sa parents mo. Busy ako. Wag mo na akong tawagan." hah! Nasabi ko sa narin.
Narinig kong sinagot nya ko.
"You'll come or i'll tell your parents about that night.."
Shit! Binablackmail na naman nya ako! Kainis ka talaga! Pinapadyak ko ang paa ko sa sobrang inis!
"Aaaargghh! Nakakainis ka talaga Jaden!!!" sigaw ko sa telepono.
Alam kong naka evil smirk na naman ito dahil nagwagi ito.
" Hahaha! Wag kang mainis jan Ariah, lalo kang papangit nyan. Ano nalang ang ipapakita mo mamaya..." sabi nya at may narinig akong ingay sa telepono.
Tinig ito ng isang babae. "Patayin mo na yang telepono babe, lets continue what we doin' " malanding sabi nito.
Aish!! At nakipaglandian pa! Narinig kong nagsalita si Jaden.
"So paano ba yan, See yah mamaya at 7. Magpaganda ka para magmukha ka ng tao..""Hoy Jad---" at binabaan na naman ako ng telepono.
Nakakainis!!! Ang galing talaga nyang asarin ako! Aarrggh!
Bat ako pa, yun nalang kaya yung kalandian nya! At dinadamay pa nya ako!
Pangarap kong makaharap ang parents nila Jared at magiging future daughter-in-law nila. Pero hindi ganito!! Gusto ko si Jared ang magpapakilala hindi yung demonyong yun!!!
Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis!
"Okey kalang ba Iya? Ba't ginugulo mo ang buhok mo?"
Pagtingin ko , si Nana Mina pala. Sya ang katiwala dito sa bahay at sya rin ang yaya ko simula pa nung baby pa ako. Sya ang nagsilbing ikalawa kong inay.
"Eh kasi Nana, nakakainis kasi si Jaden eh!!! Ang sarap ilunod sa ilog Pasig!!!" sabi ko.
Lumapit si Nana Mina sa akin. Pinagtimpla nya ako ng juice.
"Hay naku , mga bata talaga, malapit na kayong mag aasawa ay nag aasaran parin kayu? Naku, baka kayo ang magkatuluyan sa huli.. Oh eto,, juice mo.."Mabilis akong sumagot sa kanya. "Naku Nana! Hindi mangyayari yun! Kahit na mag end of the world na! " sabi ko habang tinatanggap yung juice na binigay ni Nana.
" Wag kang magsalita ng tapos Iya, hindi natin alam ang hinaharap.. "
"Ehh Nana naman! Alam mung hate na hate ko yung demonyong yun! Kaya imposibleng imposible. Kung si JL pa baka pwedi.." at napalitan ang inis ng kilig ng maalala ko yung pagmumukha ni JL! Hay naku JL koo!!
Pero agad itong naalis ng magsalita na naman si Nana. " Naku Iya, may kasabihan pa namang 'The more you Hate, The more you Love'.. Baka ngayun inis na inis ka sa kanya pero baka bukas, di mo na kayang mawala sya.."
"Naku Nana! Ano ba yang pinagsasabi mo. Nakakasuka!! Bahala na yung lalakeng yun basta si JL parin ang labs koo!!"
"O sya sya,may gagawin pa ako, maiwan na muna kita, basta tandaan mo ha, wag kang magsalita ng tapos.." at umalis na ito.
BINABASA MO ANG
Not Your Ordinary Fairytale
Short StoryHey minna! This is my first short story . Hope you like it! ja ' ne~ mystical_hunter --- This is a story of a princess who had an unrequited love to his prince. But when she tried to confess her feelings, destiny appeared and plays their game. Inste...