"Nat, nasaan ka ba? Uuwi ka ba rito sa hotel o nakahanap ka ba ng ekalal na mag-uuwi sa 'yo?!"
Conscious akong napatingin kay Yori na umiinom ng kape habang nakatingin sa labas, pinapanood ang mga taong maglakad sa labas. Late na pala umuuwi ang mga tao rito galing sa trabaho.
"Basta... Message na lang kita mamaya," sabi ko.
"Hoy, malandi ka, don't tell me kasama mo ex m-" Pinatay ko na kaagad ang tawag.
Bukas umaga pa ang flight namin ni Kobs pabalik sa Pilipinas pagkatapos ng launching event ng SUNE Tech kaya may oras pa kami ni Yori na mag-coffee pagkatapos ng reunion namin sa may roof deck.
"Uhm, so..." awkward na sabi ko habang pinapainit ang palad ko gamit ang coffee mug na nasa lamesa. Nang magsalita ako, lumingon kaagad si Yori sa akin.
Shit, ang gwapo niya. Hindi na ako sanay sa hitsura niya dahil matagal ko siyang hindi nakita. Hindi ko alam ang iaakto ko! Bakit niya kasi ako hinalikan kanina?! Ang daming tumatakbo sa isipan ko. Kami na ba?! Ano na?!
"Kumusta ka? Kwento ka naman. Update mo ako sa buhay mo..." nahihiyang sabi ko dahil nakatitig siya sa akin.
He leaned forward, leaning his chin on his palm while looking at me. He smiled so I looked away, trying to calm my heart down.
"Well... I got my engineering license, built my own gaming and tech company, and then bought my own apartment. We secured a deal with a big company, so we're also into making gaming peripherals. Life has been good. How about you?" pagkekwento niya.
"I'm a field reporter now, working under my dream company. I love my job. I've met many people from different areas and heard their stories, which changed my perspective about life. I'm still aiming for the anchor position, but I need more experience so that's my next goal. Life has been good, too." I smiled at him.
"That's good. I know you will be successful with whatever you do." He sipped on his coffee before putting it down again. "How about love life?" He raised his brow.
"Wala, ah!" mabilis na tanggi ko kaagad. "Marami nang sumubok, marami na ring nireto-"
"Marami nang sumubok, huh..." He leaned closer. "Sino?" seryosong tanong niya.
"Kung sinu-sino..." Umiwas ako ng tingin. Naalala ko tuloy 'yong mga nagme-message sa aking artista at mga katrabaho. Hindi ko na sasabihin sa kanya 'yon, siyempre. "Wala kasing kupas ang ganda ko," pagbibiro ko na lang para pagaanin ang atmosphere.
"Sino nga?" Hindi niya pa rin pinalagpas.
"Hindi ko na maalala, eh," palusot ko.
"Try to remember. I'll wait." Sumandal siya sa upuan niya at sumimsim ulit sa kape habang naghihintay.
Sinamaan ko siya ng tingin. Ayaw talagang pakawalan! "Bakit? Ikaw ba?"
"I declined all offers," confident na sabi niya. "Reto, blind dates, I declined everything."
"At least sa 'yo pa rin ako umuwi kahit sinubukan kong kumilala ng mga nirereto sa akin!" proud na sabi ko pa sa kanya. Saka ko lang na-realize na ang sama pakinggan noon. Kumunot ang noo niya at hindi nagsalita. "I mean-"
"You're my girlfriend now."
Ha?
"Girlfriend?" Hindi ko napigilan ang bibig ko.
Nagsalubong ang kilay niya. "Then... what else?" Parang kinabahan siya bigla dahil nagtaka pa ako sa sinabi niya. Napaawang ang labi niya, marami nang iniisip. "You don't want a relationship with me? Is it because it's going to be a long-distance relationship?"
![](https://img.wattpad.com/cover/319972781-288-k644866.jpg)
BINABASA MO ANG
An Old Summer Daydream (Old Summer Trilogy #1)
RomanceOLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places for years until Yori transferred to Estella's school and both of them became members of the debate...