🔞🔞🔞
TAHASANG NILALAMAN. PAKIGABAY!
( This story is a intersex )***
"ANG BABABOY NIYO!" malakas na sigaw ni Althea nang maabutan niyang magkapatong ang boyfriend niyang si Feever at ang former classmate niyang si Elle, sa loob mismo ng apartment na tinutuluyan nilang magkasintahan!
Agad na nagtakip ng kumot si Elle habang si Feever naman ay dali-daling lumapit sa kaniya.
"Althea..akala ko ba mag-o-overtimea ka sa work mo ngayon?" Sinulyapan ni Feever si Elle na ngayon ay natatawa dahil sa sinabi nito.
"Ang arte-arte mo kasi. Maypangangailangan ang boyfriend mo. Hindi na uso ngayon ang mga mala- Maria Clara na babae. Naghanap tuloy ng iba si Feever."
Inabot ni Elle ang bag nito sa ibabaw ng mesa at kinuha ang red lipstick.
"Good thing, nahuli mo kami. Hindi na namin kailangan pang itago kung ano ang real score sa aming dalawa,"
anito Pilit niyang ikinalma ang kaniyang sarili. Pumikit siya nang mariin, huminga nang malalim at saka ngumiti kina Feever at Elle na siyang ipinagtaka ng mga ito.
"Hindi ka man lang mag-e- eskandalo? Hindi mo siya sasampalin? Hindi mo ako sasabunutan?" Tumaas ang kilay ni Elle na tila naghahamon ng away.
Ngiti lang ang isinagot niya kay Elle.
"Boring," bulong ni Elle.
Itinapon niya ang mga resibo ng kuryente, tubig at renta sa mukha ni Feever.
"Nakakapagtaka. Ginagó mo ako pero ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Sa wakas, makakalipad na ako dahil mawawala na ang pabigat sa buhay ko."
Tiningnan niya si Elle na ngayon ay hindi maipinta ang pagmumukha.
"Kung ako sa'yo, hahanap na ako ng maraming part-time jobs dahil nagpapasok ka sa buhay mo ng isang lalaking palamunin. Alam mo bang kaya niyang talunin si Juan Tamad sa katamarang taglay niya?"
She smirked.
"Good luck sa iyo, Elle. Nawa ay tumagal kayo."
Tumalikod na siya sa dalawa. Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamay. Tumingala siya para pigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha at saka dali-daling lumabas ng apartment. Habang naglalakad pababa ng building ay nabangga niya ang isang babae. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.
"Ngayong gabi, sa isang high-end bar, makikilala mo ang iyong magiging asawa. Wala na itong bayad tutal, brokenhearted ka naman,"
sabi ng babae bago nagpatuloy sa paglalakad.
Nagtaka siya at napaisip. Paano kung totoo ang sinabing iyon ng manghuhula sa kaniya? Nang makalabas siya ng gusali ay agad siyang naka kita ng tricycle."Manong, sa pinakamalapit na club nga po,"
aniya. Nagdadalawang-isip pa siya kung tutuloy siya sa club dahil sa sinabi ng babaeng nakasalubong niya kanina hanggang sa....
"Ito na po ang H-Club,"
wika ngtricycle driver.
Wala sa sarili ng nag-abot siya ng bayad.
"Sa inyo na lamang po ang sukli. "
Unang beses niyang makakatuntong sa ganoong klaseng lugar. Lumakad siya palapit sa counter at umorder ng isang bote ng alak.
"Cheers, Althea! Nakalaya ka na sa kaniya. Tapos na ang pagpapakatànga mo! Tonight, you will find the man of your dreams kaya huwag ka nang magmukmok! Hindi na ako magsasayang ng luha sa walang kwentang lalaki! Akala ba niya eh hahabulin ko siya? Ano 'ko, aso? Tss. Kung kaya niyang maging masaya sa piling ng iba, pwes, kaya ko rin!"