DREAM U
PROLOGUE"What is your dream?"
Kung bata ang tatanungin ng tanong na iyan, partida maging prinsesa, prinsipe o maging superhero na nababasa at napapanood nila.
Kung highschool naman na, madalas ay maging teacher, doctor o kung ano pa man upang makatulong daw sa pamilya at kapwa.
Kung sa kolehiyo naman, doon ay talagang seryoso na. Madalas ay mga kurso na siguradong alam nilang para sa kanila na.
Kaya naman nag-survey ang aming team at ito ang ilan sa kanilang sagot.
"Anong pangarap mo ngayong kolehiyo ka na?"
"Makatapos ng pag-aaral."
"To graduate with flying colors."
"Maging famous singer."
"To be a successful business man."
"Finish engineering without failing grades."
"Magka-girlfriend."
Di ba? Iba-iba talaga ang nais maabot ng bawat isa. Pero kung si Gregorio D. Magiba ang tatanungin, mas mahalaga sa kaniya ang magka-girlfriend pagtungtong niya sa kolehiyo.
Hindi naman siya mahihirapan na maabot ang pangarap niya na magkanobya. Okay naman si Gregorio Magiba e—
GDM: GREGORIO D. MAGIBA!! MAY D KASI YUN AUTHOR! SAKA ANONG OKAY? I'M MORE THAN OKAY!
Naks, English! Okay na okay naman si Gregorio D. Magiba! Attractive features,? check! Matangkad? Sobra-sobra pa nga! Maganda rin ang pangangatawan. Kaya kung nagtataka kayo kung bakit wala man lang siyang naging girlfriend at 49/49 na tinanong niyang babae ay busted siya!.
GFM: TMI...
Okay! May itsura naman siya medyo mahangin lang pero mas gusto kasi ng mga babae yung intelligent type at nonchalant na lalaki, yung tipong hindi sila pinapansin at wala silang pag-asa. Hindi naman sa hindi siya matalino, tamad lang talaga siya kasi hindi naman pag-aaral ang priority niya kundi magka-girlfriend. Isa pa sa nagpapatingkad sa kaniya ay ang bohok niyang kakulay ng palong ng manok.
Bear with my poor writing skills. I promise to keep on improving.
YOU ARE READING
Dream U
Teen FictionIt follows the life of a freshmen college student, Gregorio D, Magiba whose dream is to find love. Dahil sa kagustuhan niyang magustuhan din siya ng babaeng tipo niya, lahat ay handa niyang suungin-kahit ang paglalaro ng basketball na wala naman sa...