06

10 1 15
                                    

“Good morning po, Ma’am.”

Nakarating ako sa school ng mas maaga kaysa sa pinlano ko. I’m even earlier than Xai. Inayos ko na ang mga bag ko sa bus bago bumaba ulit para tulungan sina Ma’am na magpasok ng gamit ng mga bata.

We’re almost done when Xai came. May dala siyang isang backpack at isang lunch bag. He’s wearing a plain white shirt partnered with his khaki pants. His eyeglasses gave justice to his nose. Medyo namumula pa ang pisngi niya dahil malamig pa ang klima. Ang buhok ay mamasa-masa pa at halatang kakaligo lamang.

“Good morning po, Ma’am. I want to apologize po for being late.” Yumuko siya pagkatapos noon.

Ma’am chuckled. “Hindi ka pa naman late, pero mas maaga sa iyo si Ciella ngayon. Puyat ka ba?”

“Hindi naman po… May tinapos lang po kagabi.” Napakamot siya sa ulo.

Hindi niya pa ako napapansin dahil nasa likod ako ng mga teacher. When our gaze finally met, he smiled at me.

“Good morning, Yvonne.” He greeted me.

“Good morning,” I greeted back.

Nang matapos na namin lahat ng dapat ayusin ay sumakay na kami. Hindi naman nagtagal ay umandar na rin ang bus. May anim na bus yata kami ngayon at kaming dalawa ni Xai ang magkasama. Usapan kagabi sa gc namin na hindi makakasama si Preia dahil sa isang emergency, hindi niya naman na sinabi kung ano.

I was sitting next to Xai, ako ang nasa may tabi ng bintana kaya naman malaya akong nakakatingin sa labas.

“Did you eat your breakfast?” After a long silence, the man beside me spoke.

“Oo naman. Ikaw ba? Mukhang puyat ka, ah?”

“I wasn’t able to… Late na kasi, but I prepared some food. Do you want to join me?” He showed me a tupperware.

“Sus, baka kulang pa iyan sa iyo.”

“I actually prepared some for you…” It’s almost a whisper.

“Weh?” Gulat na tanong ko.

“Yeah, do you want to eat now?” Hindi siya makatingin sa akin.

“S-sure…” Sagot ko kahit hindi pa naman ako gutom.

Ganoon nga ang nangyari. Kumain kaming dalawa at nagulat pa ako noong mayroon din siyang biscuit para sa mga bata. Pinamigay niya iyon bago umupo ulit sa tabi ko.

“Big time, ah!” I teased.

“Nagpapalakas lang,” He smirked, hindi ko maintindihan ang sinabi niya.

“Whatever, Woshiro.” I stuck my tongue out.

He just chuckled and we ate peacefully.

Hours had passed and we finally reached our destination. Ma’am instructed the students about what they should do. Nasa amusement park kami, ito ang unang tinigilan then we’ll go to zoo and ocean park. Since sakop ng AP at Science subject nila ‘to kaya ganoon ang mga napiling puntahan. Nice choice though.

“Ate Ciella, puwede pong sumabay sa inyo ni Kuya Xai?” May lumapit sa aming students.

“Oo naman! Dito dali!” I smiled.

It’s melting my heart to know that someone wants my company… Bukod sa mga kaibigan ko, walang nagpakita ng atensyon sa akin…

“Yey! Bagay po kayo ni Kuya, Ate!” Kinikilig na sigaw nila.

“H-huh?” I blushed. I looked at Xai but he’s just looking at me seriously.

Ano na namang trip nito? Kanina lang nakangiti, ngayon nakasimangot na. Hmp.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Transcending Her LimitsWhere stories live. Discover now