Prologue

2 0 0
                                    

Disclaimer: This is just a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Prologue

"ano paba kulang?" Tanong ko sa sarili habang chini-check ang mga gamit na inimpake ko.

"Ayy wait" agad na nagtungo sa kwarto ng mapagtanto kung wala pala sila.

"Ma, Pa ito na 'yun" bumuntong hininga ako saka kinuha ang picture nilang dalawa. "Ma, Pa nakapasa po ako sa UST at ngayon po ang luwas ko pa Manila." Hinaplos ko ang mukha ni Mama na may kirot sa dibdib. "Wag po kayong mag-alala dahil dadalhin kopo kayo kahit saan ako mapunta. Kasama parin po kayo sa mga plano ko."

Hindi kona napigilan at napaluha na ako. 3years na ang nakalipas pero masakit padin. Hindi ko padin matanggap na wala na sila sa tabi ko. Ni hindi kona sila kasama nung naka graduate ako ng highschool. Hanggang ngayon sa pagtanggap ko sa isang paaralan sa maynila eh hindi ko sila kasama.

Hayyy!

"Apo!"

Pinunasan ko ang luha ko at hinarap si Lolo. "Lo okay na po naimpake kona ang lahat" ani ko saka lumabas ng kwarto para ilagay sa aking bag pack ang frame nila mama at papa.

"Mag iingat ka dun ha, kapag may problema tumawag ka agad sakin" paalala niya ulit. Kinuha niya ang kamay ko at may nilagay sa palad ko. "Ito allowance mo"

Agad ko itong binalik sa kaniya. "Lo wag na po may pera pa naman ako"

"Cge na apo kakailanganin moyan. Tanggapin mona wag ng matigas ang ulo pa. Naawatam?" Pinanlakihan niya ako ng mata na agad kung ikinatawa.

"Si lolo talaga oh, sige na nga po. Salamat." Inakbayan ko siya. "wag kang mag alala lo pag nakahanap ako ng part time dun papadalhan kita para sa alak mo"

Tumawa siya at ginulo ang buhok ko. "Gamitin mo yun sa pag-aaral mo makiki inom nalang ako sa kapit bahay" aniya.

Napailing nalang ako habang natatawa.

Pagkatapos ng kulitan namin hinatid niya na ako sa bayan para mag antay ng bus. Bumibigat ang dibdib ko at nalulungkot ako.

Ayaw kung iwan si Lolo ng mag-isa pero kailangan ko ding lumuwas para makapag tapos. Matanda na si Lolo at ayaw konang umasa sa kaniya sa pag-aaral ko kaya kailangan kong kumayod mag-isa.

Niyakap ko siya ng mahigpit bago sumakay sa bus. Nakita kopa ang pagpunas niya sa mga mata. Naiyak nalang din tuloy ako.

Kumaway ako sa kaniya hanggang sa nakalayo na ng tuluyan ang bus. Tinakpan ko ang bibig ko ng mapahagolhol ako.

Ang lungkot.

Gabi nung bumyahe ako kaya nakarating ako sa maynila ng madaling araw. Nakitulog muna akosa bus hanggang sa umaga na.

Nag tricycle ako papunta doon sa lady's dorm na nakita ko sa facebook.

"Kuya ang mahal naman po ng pamasahe wala pobang tawad" sabi ko sa driver ng siningil niya ako ng 250.

"Ganyan talaga ineng malayo kasi to mula sa terminal" aniya pa.

"Sige na ho kuya please patawad. 200 nalang"

Bumuntong hininga sya at umiling. "Cge na nga. Kayo talagang mga taga probinsya hilig nyong tumawad"

"Thankyou kuya" ngumiti ako sabay abot ng bayad ko.

Nasa harapan na ako ng paupahan. Bumuntong hininga ako bago pumasok. Sana ay may bakante pa, malapit lang kasi ito sa UST at madaming shop na pwedeng mag part time dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When the Rain Falls (Province Series 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon