[Norrie]
Me: Wren, I wanna see you.
Wren: Where are you?
Me: Parking lot.
Ibinulsa ko na ang cellphone ko matapos itext si Wren, my boyfriend. Hinarap ko si Jozen na kanina pang nakatayo sa harap ko.
"So ano? Bakit mo ako tinawag dito?" Kunot noong tanong niya sakin.
"Pumayag na ako." I answered. Lalong nangunot ang noo niya sa sagot ko. Humalukipkip ako.
"Pumayag na akong magpakasal sayo. Sinabi ko na kina mommy at daddy. Narealize kong wala din naman akong magagawa. At the end, sila lang din naman ang masusunod at ako, parang aso lang din naman na walang ibang kayang gawin kundi sumunod."
Mariin lang siyang nakatitig sa akin.
"I don't get you. Kahapon lang ay isinumpa mong hinding hindi ka pakakasal sa akin." Humakbang ako palapit sa kanya.
"Sabihin na lang natin na nagbago bigla ang isip ko." Ngumiti pa ako ng pagkatamis tamis sa kanya.
Lumingon ako sa gate ng school namin. Ilang minuto na lang ay darating na si Wren at kailangang magawa ko ang balak ko, ng maayos.
"Why?" Nakipagsukatan pa siya ng tingin sakin. I smiled.
"Wala lang" nagkibit-balikat pa ako.
"I don't believe you. Knowing you Norrie, palaging mayroong dahilan ang mga ginagawa mo. So tell me, alam na ba ito ng bestfriend ko?" Unti unting nawala ang ngiti ko.
"He doesn't need to know." This man is crazy. Hindi niya rin naman ako maiintindihan kapag pinaliwanag ko.
Magkasosyo ang mga magulang namin sa negosyo at bata pa lang kami ay pinagkasundo na kami. I don't like it. Ayoko na pati mapapangasawa ko ay magulang ko ang kailangang pumili. Ngunit hindi ko sila matatanggihan. Malaki ang utang na loob ko sa kanila. Sabagay, malaking tulong ito para sa binabalak ko. Tama na ang paglalaro ko. This must end.
"Jozen ayoko ng maraming tanong. Ang gusto ko, ngayon din ay hiwalayan mo si Diarra and let us be together! Alam kong ayaw mong maging isang kabiguan sa parents mo." Napatiim bagang ito. Lihim akong natuwa sa sarili ko. I got him.

BINABASA MO ANG
When I Played This Game Called Love
Teen FictionWarren, Diarra, NorrieMae, and Jozen entered the playing station of this game --- LOVE Will they finish all trials and missions for this game? Who's goin' to win and who's goin' to lose? Subaybayan ang kwento ng apat na taong nagmahal, nagmamahal, n...