Simula
Noong nagsabog ng kamalasan sa pag-ibig ang langit, siguro nag-floating pa si Cyra.
Pang-ilan na ba ito sa mga lalakeng dumating sa buhay niya na akala niya ay magiging huli na? Na-manifest niya ba ang kamalasan ng mga karakter sa mga nobelang isinusulat niya kaya ganito ang love life niya? O baka naman dahil hindi niya ipinasa ang chain message noon kaya wala siyang naging matinong nobyo?
Cyra couldn't control her tears while her cheating boyfriend is on his knees, covered with only a freaking towel. Mahigpit na hawak ni Arthur ang kanyang mga kamay. Hindi niya alam kung para hindi siya umalis o nang mapigilan siya nito mula sa pagdampot ng maaaring ibato sa babae nito.
"Cyra . . ." he called, his bloodshot eyes were staring at her. Gusto niya tuloy itong kalmutin. Ito pa ang may ganang umiyak ngayon?
"Paano mo nagawa sa'kin 'to, Arthur?"
Dalawang kamay na ngayon ang ipinanghawak nito sa kanya. "N—Nasasakal na ako, eh. Siya ang nagbigay sa'kin ng pagkakataong huminga ulit."
"Huminga?" Inis na natawa si Cyra habang pumapatak ang kanyang luha. "Tangina ka, Arthur kung 'yan lang ang dahilan mo eh 'di sana sinabi mo sa'kin nang nahambalos kita ng oxygen tank o kaya ay isinabit kita sa pakpak ng eroplano nang nalanghap mo lahat ng hangin sa kalangitan!"
Roxie, her best friend and the one who kept on telling her to break up with Arthur, snorted after hearing her. Tumalikod ito nang hindi niya makita pa ang hindi nito mapigil na pagtawa. Oh, she knows Roxie wouldn't empathize with her. Baka pagtawanan pa nga siya nito oras na umatungal siya dahil hindi naman ito ang unang beses na namroblema siya kay Arthur.
Binawi ni Cyra ang kanyang kamay saka niya idinuro ang babae ni Arthur. Halos hindi na ito makagalaw sa kama.
"Ikaw na letse ka!"
Her eyes narrowed at the girl while she wipes her tears. Kilala niya ito. Katrabaho ito ni Arthur sa call center na pinapasukan at alam niyang alam nito na may nobya na ang damuho.
"Ang laki ng sinasahod mo sa call center pero wala ka man lang maibili ng feminine wash para mabawasan 'yang kakatihan mo!"
Tuluyan nang bumungisngis si Roxie kaya kinailangan na nitong lumayo sa kanya. Nakakainis naman, eh! Nawawala ang momentum niya!
Imbes na manlaban ay ang babae pa ang humikbi na parang inapi. Hindi tuloy alam ni Cyra kung ano ang mararamdaman.
Tangina talaga. Nasayang ang make up niya para rito tapos hindi man lamang lalaban ang higad na ito?
Pinagmasdan niya itong mabuti. Mayamaya ay tuluyan siyang natawa nang ibalik niya ang kanyang tingin kay Arthur. "Anong lamang nito sa'kin, Arthur? Lakas umungol o husay sumubo? May nasasakal ka pang nalalaman halata namang ibang leeg mo ang sinasakal ng babaeng 'to!"
Cyra heard Rox laughed a bit louder this time. Parang naluha pa nga dahil nagpunas na ng sulok ng mga mata.
Arthur didn't answer. Yumuko lang ang lintik na parang nahihiya dahil siguro ay natumbok niya ang tunay na dahilan. Pero iyong pananahimik ni Arthur, iyon ang mas nakasakit kay Cyra. Silence means yes, ika nga.
Her eyes felt hot while she's staring at him. "S—Sex. Sex 'di ba?"
He breathed out a heavy breath. "Magbibihis lang ako. Sa bahay tayo mag-usap," sagot nito.
Humarap si Roxie sa kanya. Ang mga mata ay nagbabanta. "Huwag kang sasama diyan! Bobo ka pa naman!"
Cyra felt torn. Baka kung hindi siya sumama ay hindi niya na makuha ang mga gamit niya sa bahay nina Arthur. Hindi pwede. Her stuff might not be that valuable to others but everything important to her was there.
BINABASA MO ANG
MONTE COSTA SERIES 5: Lonely Sunset
RomanceCyra's dream was simple; to prove that she can make a career out of her passion. She promised herself that she will make her father proud once she meets him, kaya noong hindi talaga siya sinuportahan ng nobyo sa kanyang pangarap ay tinanggap niya an...