Azrielia Gwyl Veteria
"Saan ka pupunta?"-napairap ako ng marinig ang nakakairitang boses ng step-sister ko. Nasa dulo siya ng staircase.
"None of your business"-sagot ko at nilagpasan lang siya. Pupunta ako ngayon sa birthday party ng best friend ko, this is her special day kaya dapat nandon ako.
"Sinong may sabing pwede kang umalis?"-taas kilay na saad nito at hinigit pa ang braso ko. Napangiwi ako nang diinan niya ang pagkakahawak sa braso ko at bumaon ang mahahaba niyang kuko.
"What the!? Bitawan mo nga ako!"-pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya. Ngumisi lang siya, ngising may masamang binabalak.
"No. Hindi ka aalis dahil may bisita tayo"- sabi niya at bigla akong kinaladkad pabalik sa taas. Nagkakanda talisod pa ako dahil nakasuot ako ng heels.
"Ano ba!? Bitiwan mo sabi ako! Wala akong pakialam sa bisitang sinasabi mo! Kaya pwede ba!? wag mo nalang akong pakialaman!"-nanggagalaiting sigaw ko dito at pilit paring nag pupumiglas. Pisting babaeng to mahapdi na ang braso ko dahil sa mahahaba niyang kuko!
Kapag ako napuno talaga sa babaeng to mata niya lang ang walang latay! Wala akong pakialam kong magalit sakin si daddy dahil namumuro na talaga ang babaeng to sakin.
"No! Dito kalang! Dahil ikaw ang kailangan nila!"- what the hell! Nababaliw na talaga ang babaeng to! Ano bang binabalak niya laban sakin? Somosobra na talaga siya!
"Bitiwan mo sabi ako!"- pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa braso ko ngunit wala talaga mas malakas siya kesa sakin. Kung hindi lang talaga nakabaon ang mga kuko niya sa balat ko kanina kopa pwersahang binawi ang braso ko. Pero kung gagawin ko yun sigurado akong masusugatan lang ako lalo.
"Ano ba talagang kailangan mo!?"-naiinis na tanong ko dito nang maipasok niya ulit ako sa kwarto ko dito sa second floor, hinimas ko ang braso kong namumula at may bakas ng kuko niya. Mangiyak ngiyak ako habang nakatingin sa braso ko. Tangina inalagaan ko ang balat ko tapos ganito lang ang gagawin niya? Inuubos talaga nang babaeng to ang pasensya ko.
"Anong gusto ko? Gusto ko lang naman mabahiran ng dumi yang maganda mong reputasyon! Sigurado ako sa gagawin kong to tuluyan ng mababahiran ng dumi ang buong pagkatao mo!"- parang baliw na saad nito at tumawa na parang demonyo. Naninindig ang balahibo ko at nagsimula na rin akong kabahan dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? May binabalak talaga siyang masama laban sakin? Anong gagawin niya na makakapag pa dumi sa pagkatao ko? Nababaliw na talaga ang babaeng to!
"What do you mean?"- i asked her, kahit kinakabahan hindi ko ipinahalata sa kaniya dahil ayokong mas lalo siyang ganahan sa pananakot sakin.
"What do i mean?"-lumapit siya sa akin at bumulong. "ipapagahasa lang naman kita sa mga lalaking tinawagan ko!"- para akong na estatwa sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya. No, no, hindi niya magagawa yun, nagbibiro lang siya. Hindi niya magagawa sakin yun. But then i realize baliw na ang babaeng to kaya kahit anong bagay kaya niyang gawin.
Matapos mag sink in sakin ang sinasabi niya taas noo ko siyang hinarap. "Hindi mo kayang gawin sakin yun Yvane"-matigas na saad ko dito. I gritted my teeth in anger nang pinagtawanan lang ako nito.
"Oh dear, who said na hindi ko kayang gawin yun? When in fact on the way na nga yung mga inutusan kong gahasain ka?"-nakangising saad nito at bigla akong itinulak kaya bumagsak ako sa kama ko. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla siyang naglakad palabas, sinubukan ko siyang habulin ngunit huli na dahil naisarado niya na ang pinto.
Pilit kong binubuksan ang door knob ngunit naka lock ito sa labas. "Yvane! Buksan mo ang pinto! Ano ba palabasin moko!"-sigaw ako ng sigaw at pilit na binubuksan ang pinto pero wala talaga.
YOU ARE READING
TRIPLET'S OBSESSION (Poly Series #1)
RomanceBe aware of the Triplet's Obsession Date Started: December 01, 2023 Date Ended: