Prologue

326 5 1
                                    

"Woman doesn't need to do anything to seduce. Just by standing at a man's side, they can easily seduce. Lalo na sa mga lalaking handang magpa-seduce."

Nang makilala ni Port si Jea ay agad na nahulog ang loob niya rito kahit na nga sa unang pagkikita nila ay binugbog siya nito. Inakala kasi nitong masama siyang tao, na reasonable naman dahil nag-trespass siya sa islang pagmamay-ari nito at ng ina nito.

Ngunit alam niyang mahirap kuhanin ang puso ng babae dahil wala itong tiwala sa mga lalaki. At anong saya niya nang makuha niya ang tiwala nito.

Akala niya ay magiging masaya na sila. Akala niya, magiging maayos na ang lahat at maaari na silang mag-ibigan.

Ngunit sinubok ang kanilang samahan, ang kanilang pag-iibigan. Kahit na hindi ginusto ni Port, nawala sa kanya si Jea.

Makakaya pa kaya nilang dugtungan ang pag-iibigan gayong tila hindi na gustong ituloy ni Jea ang kanilang nasimulang pagmamahalan?

Prologue

TINUNGGA ni Port ang bote ng Poitin – isang traditional drink mula sa Ireland na ipinadala pa ng kanyang ina sa kanya. Natawa siya nang bahaw. Akala ba niya, natatanggal ng alcohol ang hapdi sa katawan? Na nakakamanhid ito ng sakit? Ngunit bakit tila walang kuwenta ang tinutungga niyang inumin sa kabila ng katotohanang mataas pa sa ninety-percent ang alcohol content niyon?

Tumawa siya at nagpatuloy sa walang direksiyong daan.

Ah. Ganito pala ang sakit na nararamdaman ng isang tao kapag nadurog ang puso. Ngayon ay naiintindihan na niya ang pananaw ni Files tungkol sa pangit na epekto ng pag-ibig sa isang tao. Ngayon ay mas naiintindihan na rin niya ang sakit na naramdaman ni Web.

Ngunit napagtanto niyang ang nararamdaman niya ngayon ay higit pa roon. It was an intense pain that made him weak. Made his damned eyes water even if he forbade it. Natawa siya ulit. Tawang kumukutya sa sarili. Sigurado, hindi gugustuhin ng kanyang amang makita siyang ganoon. Siya na nga lang ang kasa-kasama nito dahil nasa United Kingdom ang kanyang kapatid at ina, tapos ganito pa ang magiging estado niya? No. Hindi na kailangang malaman ng kanyang ama ang sakit na pinagdaraanan niya ngayon.

Kasalanan naman niya kaya nagkakaganito siya ngayon. Siya ang may sala at wala siyang magagawa para maitama ang maling nagawa.

Muli siyang tumungga ng Poitin. Napapikit siya ng mariin nang maramdaman ang mga luhang nag-uunahang pumatak sa kanyang mata. Damn. Hindi siya kailanman umiyak sa tanang buhay niya - not at least he could remember. Damn. Hindi siya mahinang klase ng tao. Kayang-kaya niyang ikutan ang buhay upang mapadali ang lahat sa kanya. And it hurt the fucking hell that the first time he met his struggle, it would be like this. Pakiramdam niya ay namamatay siya, namamatay ng paulit-ulit, walang katapusan. Being tortured by the fact.

Jea...

Sa pag-usal niya sa pangalang naging sentro ng mundo niya sa nakalipas na mga buwan, pakiramdam niya ay nabasag muli ang puso niya. Damn. Masakit kapag naaalala niya ang malamig nitong mata sa kanya. Kapag naaalala niya ang dahilan kaya malamig na ang mata ng babaeng tumitingin sa kanya. Napaka-buwisit na istupido niya.

Napapikit siya nang mariin. Sakto namang tumunog ang aparato niya. Dali-daling dinampot niya iyon. "J-Jea?! I missed you... I love you..."

"I'm not Jea. Si Drive 'to, dude. Where the fuck are you? Sabi mo kailangan mo ng kausap at importante iyon. Bakit hindi ka naman sumipot sa usapan?"

"Ah... Drive..." disappointed na wika niya. Bahaw na natawa siya. Bakit nga naman siya tatawagan ni Jea? Gayong muhing-muhi ito sa kanya. Ni ayaw na nga siya nitong makausap. Nag-iilusyon siya kung iniisip niyang tatawagan siya nito.

Full Moon DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon